KEYLA Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako sa kama at nag-unat dahil pakiramdam ko naninigas na ang mga muscles ko sa kakahiga dahil sa sugat ko. Kapag gumaling na ako ay balak kong mag rock climbing para makababa ako sa bangin gusto ko lang naman subukan kung kakayanin kong makatakas dito kapag doon ako dumaan. Sa tingin ko ay nasa dalawang daan na talampakan ang lalim nito kaya mas maige kung gagamit ng harness pababa at pa-akyat pero mukhang hindi rin ako papayagan ni Thiago baka isipin niya tatakasan ko siya ulit. Pero kapag nagising na siya sa kabaliwan niya sa akin baka nga takasan ko siyang muli. Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya na agad ang hinanap ng mata ko. Baka nasa loob lang siya ng bahay. Nag-ikot pa ako ngunit wala akong makita. Imbis na si Thiago ay si Har