KEYLA Imbis na sa loob ng aking kwarto ay ibang kwarto ang pinagdalhan niya sa akin. Kung yung kwarto ko ay maaliwalas pa ng kaunti dahil sa light colors na pintura sa pinasukan naming ay puro naman dark ang nakikita ko. Kulay itim ang kurtina, gray ang dingding at ang sahig. Pero itim din ang kanyang kama pati na rin ang kanyang sofa na may glass table sa gitna. May malaking glass cabinet din at may dalawa pang itim na pinto. May malaking chandelier din na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. May kilala akong mahilig din sa ganitong mixed ng kulay. Yun ay si Luna, hindi na ako magtataka dahil pareho silang misteryoso ang pagkatao. Dahan-dahan niya akong nilapag sa malambot na kama. Pagkatapos ay umalis siya at nagtangal ng coat. At pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay bihisan niya.