“SEE? May gan’yan bang matinong kaibigan?!” marahas kong winaksi ang kamay ko kaya natanggal ang pagkakahawak n’ya sa wrist ko. Minasahe ko naman ‘yon ng bahagya dahil parang tumigil saglit ang pag-daloy ang dugo ko roon. “There are many types of friends. May mga matitino at hindi. I can admit that I am not a perfect friend but you can rely on me in any situation, Mirabella.” Sinalubong ko s’ya ng nananapak na tingin. “Sige, utuin mo pa ako, Legis. Parang bata ang kausap mo.” “You had a height of the child after all.” Lalo pang sumama ang timpla ng facial expression ko. At nasingit n'ya pa talaga ang insultuhin ako. “Excuse me? Eh hanggang leeg mo ako! Pambatang height pa ba ‘yon?” Sumandal s’ya pabalik sa sandalan ng shivel chair. Ipinatong na naman ang mga binti sa ibabaw ng study