BATANG KRIMINAL

1941 Words

Naging mabilis ang mga pangyayari ngunit hindi ko napaghandaang gapiin ang pagkabigla. Para akong nalusaw na kandila. Sa pagkabigla ay hindi ko nagawang tumakbo o magtago. Nanatili ako doong nakaluhod at yumuko. Mabilis na umeskapo si kuya Berto. Naiwan akong parang walang magawa kundi hintayin ang paghahatol. Naramdaman ko na lamang ang isang malakas na suntok na pinakawalan ni tatang sa aking bibig na dahilan din para tuluyan akong matumba. Hindi ako umiyak. Hindi ko ramdam ang sakit kahit nalalasahan ko ang dugong galling sa aking mga labi. Hinablot ni tatang ang sando kong itim at hinila niya ako pauwi sa bahay. "Hindi ka talaga magbabago, tang ina mong bakla ka. Makikita mo ngayon kung paano ko puputulin ang pagiging binabae mo tarantado ka!" Samyo ko ang amoy alak niyang hininga. A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD