chapter one

2125 Words
"What? Tama ba ang narinig ko? Hindi ka sasama sa amin ni Norielyn?" malakas na bulalas ni Milyn sa kabilang linya nang tumawag ito. She's inviting me to her house somewhere in Maragondon, Cavite. Tanging mama niya at mga kasambahay lang kasama nila sa kanilang bahay ngayon. Nasa ibang bansa ngayon ang daddy niya. "Jaz naman, ilang linggo na tayong hindi nagkikita since graduate na tayo ng grade 10." Hinilot-hilot ko ang aking sentido. Isinandal ko ang aking likod sa couch na narito sa aking studio. "Sorry, medyo busy kasi ako ngayon. Alam mo namang may sinalihan akong contest, hindi ba?" "Oh! Saan ba ulit gaganapin iyon? Sa Taiwan, if I'm not mistaken?" sa tono ng boses niya, parang napagtanto niya ang ibig kong sabihin. "May nakuha ka na bang inspirasyon para d'yan sa ceramic art mo?" Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "That's my problem for now, wala pa, Milyn." pag-amin ko. "But I believe, may maiisip din ako sooner or later." I heard her humming. "Ganito nalang, kami nalang ni Jelly ang pupunta d'yan para bisitahin ka. Ano? Keribels ba?" she suggested. Natigilan ako ng ilang segundo. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Ayos lang ba talaga? I can't force you to go here, Milyn. At saka, papayag naman kaya ang parents ninyo?" paniniguro ko. "Of course, papayag iyan si mama! Lalo na kung kasama ba naman si Jelly! Alam mo naman ang isang iyon, manang iyon, eh." humagikgik siya. Talagang binubully niya ang pinsan niya sa side ng kaniyang mama. "Oh sige na, mag-aasikaso lang ako ng mga gamit namin. Then pupunta na kami d'yan. See you!" pinutol na niya ang tawag pagkatapos. Ngumuso ako nang ipinatong ko sa mababang mesa ang cellphone ko. Napagawi ang tingin ko sa labas. Nagkibit-balikat ako. Pinagmasdan ko ang kalayuan. Hindi ko talaga maipagkaila ang tahimik at kalmadong lugar na ito. Kahit na dalawang taon na akong naririto sa tahanan ng mga Amador, nasasanay na ang katawan ko dito. Hindi katulad sa Maynila, maingay at talaga namang maraming tao na naroroon. Nagpasya na akong tumayo na. Balak kong maglakad-lakad muna sa labas. Nagbabakasakaling may pumasok na ideya sa aking isipan habang gagawin ko iyon. Dahil sa lawak ng lupain ng mga Amador dito, baka tatamarin na ako sa paglalakad pero hindi bale, hindi pa naman sumapit ng gabi kaya ayos lang. Bawat nakakasalubong kong mga trabahador dito sa farm ay binabati ako, syempre, binabati ko din sila pabalik. Lahat sila ay mabait sa akin kaya kabaitan din ang pinapakita ko sa kanila. Siguro dahil na din sa palagi akong nag-iisa sa malawak na lupain na ito. Dahil nga madalas nasa Spain ang parents ni tito Chano. Nasa Maynila naman sila mama. Kaya madalas kong nakakausap ay ang mga kasambahay at mga trabahador dito. Binata si tito nang nakilala niya si mama. Boss naman siya ni mama hanggang sa ayon, nagkainlaban silang dalawa. Ang akala ko ng una ay ayaw nina Sir at Madame Amador sa amin ni mama dahil nga sa sitwasyon namin pero nagkakamali ako. Ayos lang daw sa kanila, tanggap nila kami. Nakikita din naman daw nila na may naitutulong daw si mama sa kanilang negosyo. Wala pa ring balita kung magkakaroon na ba ako ng kapatid. Gusto ko rin naman maranasna kung papaano magkaroon ng kapatid, kung ano ang pakiramdam kapag may poprotektahan ka. Napadpad ako sa kakahuyan. Tumigil lang ako sa paglalakad nang may narinig akong nagtatawanan at malalakas na tugtog sa hindi kalayuan. Dahan-dahan akong naglakad pa hanggang sa natanaw ko ang isang barn house. Doon nanggagaling ang malalakas na rock music na mukhang foreign pa ang kinakanta. Sa eksenang ito, parang may party-party sila. I saw some boys wearning swimming trunks, some of girls wearing bikinis. Base sa obserbasyon ko, lahat sila ay mas matanda sa akin. Umaawang ang bibig ko nang makita ko na nagtatampisaw sila sa man made swinpond! Seriously? Wow... Mas lalo nakuha ng aking atensyon ang lalaking kakalabas lang mula sa barn house. Wait, siya ang lalaking nakasabay ko sa paglabas ng simbahan kanina, ah! Siya ba nagmamay-ari nito? Kasabay niya ang isang babae na nakapulupot iyon sa kaniyang braso. Pakurap-kurap pa ako dahil talagang nasaksihan ko kung papano sila naghalikan. Sa eksenang nakita ko, napaupo ako sa lupa. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko! My innocent eyes! Hindi pa ready! Okay sana kung kissing scene sa isang pelikula ang makikita ko, pero hindi! Reality! Napasapo ako sa aking bibig at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung bakit nabato ako sa posisyon kong ito. Kahit sina mama at tito Chano ay hindi sila naghahalikan sa harap ko! Oh yeah, masyado mataas ang respeto nila sa akin dahil alam nilang insosente ako pagdating sa ganitong bahay! My goodness, world, what's going on with you? Gugunaw ka na ba?! "Tu-ko..." Napadilat ako nang may narinig akong tunog mula sa gilid ko. Para akong robot kung tingnan ko ang direksyon na pinanggalingan ng tunog na iyon. Nang makita ko ang naturang hayop ay unti-unti nanlalaki ang mga mata ko. Mas lalo ako nabato sa kinauupuan ko. Kusa nang lumabas ang pawis sa aking katawan. Mas bumilis ang t***k ng aking puso. Oh shit... "Tu-ko..." "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" hindi ko mapigilang mapasigaw dahil umaandar na naman ang ophidiophobia sa sistema ko. I really have a fear of reptiles! Hindi ko kinaya. Parang nag-activate pa ang adrenaline sa sistema ko na dahilan para umairbas ako ng takbo, aligaga akong umalis mula sa pwesto ko. Tumakbo ako kung nasaan ang barn house! Wala akong pakialam sa paligid ko, basta kailangan kong lumayo sa tuko! Dahil sa sobrang panic ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na dahilan para mapadap ako't mapasubsob sa putikan! "Ayos ka lang ba?!" nag-alalang tanong ng mga tao na nakita ko kanina. "Owen! Dalhin natin siya sa loob! Baka nagkasugat siya dahil sa pagkadapa!" boses ng isang babae. HIndi ko na alam kung ano nang nanyari dahil itim nalang ang nakikita ko... - Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Kumunot ang noo ko dahil iba ang kisame sa aking paningin. Nang napagtanto ko ay hindi ito ang bahay ng mga Amador! Mabilis akong bumangon at napasinghap. Tumigil ako't nag-isip. Inaalala ko kung anong nangyari kanina. May pumukaw ng aking atensyon. Umaawang ang aking bibig nang nagtama ang mga tingin namin ng lalaking nakita ko sa simbahan kaninang umaga! Nakaupo siya s asingle couch at mukhang abala sa kaniyang binabasa dahil may hawak siyang english novel. He's wearing a gray v-neck shirt, and faded sky blue jeans. "Glad your awake," nakangiting bati niya sa akin. Hindi ako agad nakapagsalita. Iginala ko pa ang aking paningin sa paligid. Napasinghap pa ako muli dahil nakita ko sa pamamagitan ng bintana na gabi na! "I need to get outta here!" sabi ko. Mabilis kong hinawi ang comforter sa aking ibabaw. Hinahanap ko ang aking tsinelas... Natigilan pa ako dahil bakit suot ko ngayon ay loose printed tshirt? Bumaling ako sa kaniya. "N-nasaan ang mga damit ko?" "I washed them. No worries, ang mga kaibigan ko ang nagpalit ng damit para sa iyo," kaswal niyang sagot. Tiniklop niya ang hawak niyang libro saka tumayo hanggang nasa harap ko na siya! Napaatras ako. Nakapameywang sya at nakatitig sa akin. "So, tell me... Papaano ka napadpad sa lugar na ito?" Inilapat ko ang aking tingin sa sahig. Lumunok ako. "I was actually unwinding, I'm thiniking about my new project..." muli ako tumingin sa kaniya. s**t, bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Katulad kanina, parang umiiba na naman! Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Para bang may gusto pa siyang marinig. Ibinuka ko ang aking bibig. "S-sorry... If you think I invade your place, then... Uhm..." "Are you alright?" sunod niyang tanong. Para akong natameme sa tanong niyang iyon. Like what the... Simpleng tanong lang naman 'yon, madaling sagutin pero bakit ganito na naman ako?! Damn you, Jaz! "M-medyo okay na ako..." I tried to smile, atleast. "Thank you for your hospitality and sorry for intruding your party... I should go home, baka mag-alala na sila sa akin." "Ihatid na kita," he volunteered. "H-ha? No, it's okay. Kaya ko naman..." "Nope, madilim na sa labas. Let me. Mahirap na lalo na't babae ka pa." umalis siya sa harap ko. Pinapanood ko lang ang kaniyang kilos. Tumaas ang mga kilay ko dahil nagpalit siya sa sapin sa paa. Kinuha niya ang isang leather boots mula shoe rack. Sinuot niya iyon. Pagkatapos ay humarap na siya sa akin. He give a small smile. "Come on, my favorite Kali were waiting." then he opened the door for me. Kusang gumalaw mga paa ko. Lumapit ako sa kaniya. Pinauna niya akong lumabas sa barn house. Para akong tuod kung makasunod sa kaniya. Ewan ko kung bakit nagawang sumunod ng katawan ko sa kaniya habang papunta kami sa isang puno ng narra kung nasaan nakatali ang isang kabayo na abala kumakain ng damo. Tumigil ako saglit saka niyakap ang aking sarili. Pinapanood ko lang siya habang kinakalas niya ang tali ng kabayo sa naturang puno. Pagkatapos ay lumapit sa direksyon ko na hawak na niya ang tali. "This is my bestfriend, Kali." pakilala niya sa akin sa hayop na kaniyang tinutukoy. "He will give you a ride." "O-okay lang ba talaga?" sabi ko na hindi makapaniwala. Unti-unti nababalutan ng pagdidiwang sa aking puso. Tumangp sya. "Yeah." tugon pa niya. Walang atubili na nilapitan ko ang kabayo. Ngumiti ako saka hinimas-himas ko ang ilong nito. Walang takot sa sistema ko habang ginagawa iyon. Kailangan talaga ito para hindi rin matakot sa akin ang kabayo. Itinuro sa akin ang bagay na ito mula kay tito Chano. He taught me how too ride a horse noong bagong salta palang ako sa kanilang farm. "You seems like you know how handle a horse." rinig kong kumento niya sa akin. Bumaling ako sa kaniya na hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. "Sort of," sagot ko. Walang sabi na humakbang ako sa stirrups hanggang sa tagumpay akong nakasampa sa likuran ni kali. Hinimas ko pa ang panga nito. "Good boy," I give him a compliment. Ilang saglit pa ay siya naman ang sumampa sa likuran ni Kali. Tulad ko ay humawak din siya sa bridle. Natigilan ako nang maamoy ko na naman ang pabango niya na panlalaki! He smells so good! Sa pamamagitan ng pabango niyang iyon, he can seduce me! Wait, ano ba itong pinag-iisip ko?! Hindi ko na namamalayan na umusad na si Kali paalis sa lugar ng barn house. Kahit anong normal akong kumilos at makausap ay mukhang mabibigo pa ako. Dikit na dikit kasi siya sa akin! Ramdam ko ang malalapad niyang dibdib sa aking likuran. Kahit anong gawin ko na balewalain iyon, wala talaga. Tahimik ko pa rin napupuna kahit anong gawin ko! Ilang minuto pa ay narating na namin ang Villa Amador. Tanaw ko si Manong Fidel pati ang asawa nito na si Aling Lourdes na nasa fornt porch ng bahay na may pag-alala sa kanilang mga mukha. Nang makuha namin ang kanilang atensyon ay umiba ang ekspresyon ng kanilang mukha. Napalitan iyon ng saya at nakahinga ng maluwag. Hindi lang silang dalawa ang naroroon. Kasama nila nag dalawa ko pang kaibigan na sina Milyn at Jelly! Wait, hindi nila kasama si Norielyn? Mismo ang kasama ko ang tumigil kay Kali. Nauna siyang bumaba habang mga naghihintay sa akin ay dali-dali dumalo sa amin. Inaalalayan ako ng kasama ko na makababa ako. Hindi na mapigilan ni Milyn na yakapin ako. "Ikaw pala, Sir Owen!" bulalas ni Manang Lourdes sa kasama ko. "Hindi ko alam na ikaw pala ang kasama ni Miss Jaz." Bago man siya sumagot ay bumaling siya sa akin ng limang segundo. Umukit ang ngiti sa kaniyang labi. Tumingin siya kay Manang. "Napadpad siya kung nasaan ang tirahan ko, Manang Lourdes. Nagkaroon din ng aberya, hinimatay siya pagkatapos madapa. Pasensya na kung nag-alala kayo." "Naku, wala po 'yon, Sir Owen. Mabuti nalang talaga ay kayo ang nakakita kay Miss Jaz." dagdag pa ni Mang Fidel. "Maraming salamat po." "Ayos lang po 'yon." muli siyang bumaling sa akin. Ako na mismo ang pumutol ng usapan nila, syempre, in a nice way. Ang dalawa ko pang kaibigan, ayon, mukhang umiiba naman ang tumatakbo sa sa kanilang isipan at panigurado mamaya ay uulanan nila ako ng mga tanong. Iniwan na nila kaming dalawa dito sa labas. "Hindi ko alam na isa ka palang Amador." kumento niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Umukit ang pagtataka sa aking mukha. "Ang stepfather ko lang," sagot ko. "M-may problema ba?" Ngumuso siya saka tumango. He smiled. "Nothing, may I know, how old are you, Jasmine?" Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "S-seventeen." "I see. It's nice to meet you then, my lady."huli niyang sinabi bago man niya ako tuluyang tinalikuran. Hindi ako umaalis sa kinakatayuan ko. Pinapanood ko siya kung paano siya sumakay kay Kali. Nagsaludo pa siya sa akin. Ginawaran ko lang siya ng ngiti. Pinabilis niya ang pagtakbo ni Kali hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. Hindi ko alam pero nagdidiriwang ang puso ko sa unang araw na una naming pagtatagpo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD