prologue

1383 Words
Disisiete anyos palang ako nang una ko nakilala si Owen Mavin Hochengco. I remember the time I was inlove for the first time. Nakilala ko siya sa loob ng simbahan ng Silang, Cavite pero bago iyon ay naririnig ko sa pari na nagmimisa sa amin ng mga oras na iyon ay binabanggit niya ang pangalan ng mga nagbigay ng donasyon para mamaintain at proyekto na isasagawa ang simbahang kotoliko, and Hochengco Family mentioned that time. Pagkatapos ng misa ay nagsilabasan na ang mga tao. Nakayuko lang ako at nakikisabay lang ako sa daloy ng parokya hanggang sa may naamoy akong mabango sa aking tabi. Hindi ako nag-atubiling tumingin sa direksyon na iyon kahit hanggang balikat lang ako nito, hindi iyon naging hadlang para masilayan ko ang mukha ng katabi ko. Umaawang ng kaunti ang aking bibig nang tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki. I had to admit, I found him handsome in a classic sort of way. I couldn't tell if he's like a korean or chinese. His features were strong and well-defined. His mouth firm, his jaw square and stubbornly set. Nang nakalabas na kami sa simbahan ay tumigil ako saglit. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kinaroroonan ng lalaki na nakasabay ko sa paglabas. Tahimik siyang naglalakad patungo sa direksyon ng grupo na mukhang hinihintay siya. Isang babae at isang lalaki na may-edad, I think they are his parents. Doon ko napagtanto na sila ang tinutukoy ni Father na pamilyang Hochengco, ang isa sa mga pinakamayaman na pamilya dito sa Cavite. Kilalang kilala noon pa man ang pamilya nila dahil na rin kay Joselito Hochengco, lalo na si Madame Eufemia Tiangco-Ho na marami na ding naitulong sa mga tagadito lalo na pagdating sa pagkabuhayan. Iyon din ang pagkakwento sa akin ni mama, kahit ang lola ko. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaki. Tingin ko ay nasa kolehiyo na siya pero hindi naman talaga iyon ang concern ko. Pinapanood ko lang siya kung papano siya pumasok sa loob ng sasakyan. Umaandar na iyon hanggang sa nakaalis na sila na hinatiran ko pa sila ng tingin. Binawi ko ang aking tingin. Nagpasya na akong maglakad patungo sa sasakyan. Tanaw ko doon si Manong Fidel, ang driver ng stepdad ko na nakatayo na sa tabi ng nakabukas na pinto ng backseat, naghihintay sa aking paglapit. "Diretso na po tayo sa bahay, manong." malumanay kong sabi sa kaniya hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob. "Masusunod po, Miss Jaz." wika pa niya saka isinara na niya ang pinto ng backseat kung nasaan ako nakasakay. Agad niyang dinaluhan ang driver's seat. Binuhay na niya ang makina pagkatapos ay inumpisahan na niyang paandarin ang sasakayan hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis sa harap ng simbahan. My mother married a Caviteño, ang totoo niyan ay taga-Maynila pa ako. Though, I am a city girl, I can manage how to be a country girl, sometimes. Malaking adjustment lang din sa akin pero kakayanin pa. May stepfather's family owned a hectares of land. Masasabi din ng ibang lokal dito sa probinsiya na pumapangatlo ang pamilya ni tito Chano sa pinakamayaman na pamilya dito sa probinsiya. Tulad ng mga Hochengco, narito din ang mga ancestor ng mga Amador. Kaya hindi na ako magtataka kung sakaling magkakasalubong man ang dalawang pamilya sa isang lugar. After few minutes, we reached the wide gate made of woods, it covers by vines. May mga umuusbong na mga bulaklak mula sa mga halaman na iyon. Pagkabusina ni Manong Fidel ay nagbukas na din ang naturang gate ilang saglit pa. Muli umusad ang sasakyan hanggang sa nakapasok na kami sa naturang villa. Bubungad sa amin ang malawak at mahabang daan patungo sa ancestral house ng villa. Dahil sa lawak ng lugar na ito, sa kaliwang parte ay naroon ang taniman ng mga pinya at mga coffee beans, sa huling bahagi ng lupain, there's a bahay kubo, surround it with fruit bearing trees, flowering plants and few vegetable plots. Naroon din ang horse stables, minsan pa nga ay naghohorseback-riding ako. Our place is nearby Tagaytay City. I could say this place is ideal where one can enjoy the cool breeze day and night all year round. When our friends and my family's colleagues came for visit, it was an instant hit to them, and soon after, they bought lots of fruits and vegatables at the prices can easily afford, minsn pa nga, pinamimigay nila bilang pasalubong. Tumigil ang sasakyan at binuksan din ako ng pinto. Ngumiti ako kay Manong Fidel pagkatapos ay nagpasalamat na din. Dumiretso ako sa loob ng bahay nang naabutan ko sina mama at tito Chano na mukhang aalis. "Oh, there you are, iha!" magiliw na bati sa akin ni mama. Pinasadahan ko sila ng tingin na may pagtataka sa aking mukha. "Where are you going, ma? Tito?" tanong ko sa kanila. "Going back in Manila, iha. Alam mo naman naroon ang trabaho namin, right?" si mama ang sumagot. Napangiwi ako. "Oh...kay. Kailan naman po ang uwi ninyo dito?" sunod kong tanong. Bago man nila sagutin ang tanong ko, nagkatinginan silang dalawa. Si tito Chano ang nagpasyang sumagot. "Actually, hindi pa namin alam, anak. Tambak na ang trabaho namin sa Opisina dahil sa mahabang bakasyon." Two days na bakasyon, mahaba na 'yon?! Are they serious?! "We will try to go home in weekends, don't worry." mama added. Nilapitan pa niya ako saka binigyan ng yakap. Hinalikan niya din ako sa noo. "May mga makakasama ka naman dito, Jaz. They will take care of you while me and your tito Chano were in Manila, and your grandparents are in Spain for a while..." "But..." hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone ni mama. Binigyan niya ng prayoridad iyon. Kita ko ang pagsinghap niya. Bumaling siya kay tito. "Honey, we need to run some errands first." she said. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin, she give me her sweetest smile. "We need to leave, anak. Just call us if you need something, alright? I love you." tuluyan na siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinatid ko lang sila ng tingin. Pinapanood ko kung papaano inaalalayan ni tito Chano si mama na makasakay sa sasakyan nito. Kumaway pa si mama sa akin na may kasamang ngiti. Ginawaran ko lang sila ng mapait na ngiti at tumango. Umaandar na ang sasakyan hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nagpasya akong umakyat na kung nasaan ang kuwarto ko na may lungkot sa aking isipan. Nagpasya na akong maghilamos ng mukha at bihis. Humarap sa salamin pagkatapos ay pinusod ang aking buhok. Ilang saglit pa ay lumabas na ako para puntahan naman ang pinakapaborito kong lugar—ang aking studio na talagang hiniling ko kina mama at tito Chano na itayo iyon na para lang sa akin. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng naturang studio. Hindi ko mapigilang mapangiti nang tumambad sa akin ang shelves na nakahilera doon ang mga gawa kong ceramic pots. Marahan kong isinara ang pinto. Nilapitan ko ang isa pang shelf na katabi lang ng study table ko. Pinagmasdan ko ang mga pintura na gagamitin ko sa susunod kong gagawin. Hindi lang naman pottery ang kadalasan kong ginawa, kahit pagpepaint ay may alam ako. Pero mas gusto ko ang ceramic arts kaya hindi ako mag-aatubiling kukuha ako ng arts and design sa oras na tumuntong ako ng senior high school. Biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Hindi ko talaga maipagkaila ang kaguwapuhan niyang taglay ng mga oras na iyon. I know, it's a bit crazy, actually. Hindi naman niya ako siguro kilala pero aksidente ko naman siya nakilala. Isang bagay ang tumatak sa aking isipan. His captivating brown eyes. It's mesmerizing and magical. His presence got me from the first time I saw him. I can't deny that. Feels like, there is an energy that I couldn't explain. I feel butterflies on my stomach. Napasapo ako sa aking dibdib. My heart is beating fast. Kung kanina ay malungkot ako dahil sa pag-iwan nila sa akin dito sa malawak na lupain ng mga Amador, ngayon ay unti-unti na itong nabubura,  dahil nasa isipan ko na nag mukha niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. The first time that you will fall in love, it will change your life up to three hundred and sixty degree! "Sana makita pa kita," ang tanging nasabi ko kahit na wala naman ibang makakarinig iyon na bukod sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD