Chapter 8 TOMMY Mainit ang ulo na ibinagsak ni Tommy ang sarili sa sofa. Ilang oras siyang naghintay sa wala para lang makausap sana si Mariana pero nang sundan niya ang umalis na limousine ni Samuel, kasabay ang babae papuntang restaurant ay siya namang pagsakay no'n ulit sa isa na namang sasakyan papaalis—kasama yata ang amo. He was so confused what he must do. Nakita niya kasi na dumating din si Liam kanina bago umalis si Samuel at hindi niya iyon nakitang sumunod papaalis. Nagpaiwan ang lalaki na ‘yon sa mansyon ng mga Robinson at abot leeg ang hininga niya sa maruruming kaisipan na pumasok sa kukote niya. Baka naghalikan ang dalawa ni Brie, nauwi sa hubaran at nauwi sa nakakawindang na p********k. Fuck it! Tumayo siya at naglakad papunta sa fridge. Kumuha siya ng bote ng al