Sometimes, I just hate him but most of the time, I can’t resist him. NATAPOS na ang sports festival. Wala naman ibang kakaibang nangyari. Naging tanung tanungan lang sa iba kung bakit daw nawalan ako ng malay. Hindi ko naman sila binigyan ng sagot. Wala rin naman akong kaaalam alam sa nangyari. Nang araw ng sports festival ay wala naman akong ibang pinagkaabalahan kung hindi maglaro ng table tennis and I won. Nasa library ako ngayon. Ang pagkakaalam ko ay may quiz daw kami mamaya at dahil break time naman ay ginagamit ko ito para makapag aral. Sa katunayan ay hindi ko naman kailangang gawin ito pero hindi lang talaga ako mapakali sa classroom. Naandon si Kreios at naandon din iyong babae niya. Nasisira lamang ang araw ko sa tuwing nakikita silang dalawa. Tinitigan ko lamang iyong libr