"Kristine, kamusta ang klase mo?" bati ko sa kaniya paglabas niya ng room.
Tiningnan niya lang ako at naglakad siya papalayo. Hinabol ko siya. "Tara mag dinner muna tayo bago kita ihatid sa apartment mo."
Huminto siya ng paglalakad. "Errol, bakit mo ba ginagawa ito?"
"Ang alin?" tinanong ko pa rin siya kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Iyang mga ginagawa mo. It's as if you care," pahayag niya. "Hindi ka ba nababagot? I mean, pa end na ang first year natin sa university at hindi ka pa rin napapagod ng pagsunod sa akin?"
Hinawakan ko ang mga balikat niya. "I told you before diba na hindi ako susuko."
Napabuntong hininga siya. "Mapapagod ka rin Errol."
"I won't."
Tahimik kaming naglakad palabas ng university. Ganito kami halos isang taon na, sinusundo ko siya (kahit ayaw niya) at hinahatid pauwi (kahit ayaw niya pa rin). Minabuti ng mga magulang namin na ma experience namin ni Kristine na maging independent kahit nasa Paradise City kami nakitara. They rented a duplex apartment for us, ako sa isang unit at siya naman sa katabi.
"Errol?" mahina niyang tanong.
"Hmmm...?" Napalingon ako bigla kasi unusual na si Kristine ang unang pumuputol sa katahimikan.
"Why don't I see you with your friends anymore? I mean, you were really popular in high school tapos close na close talaga kayo ng tropa mo..."
Napalunok ako sa sinabi niya at pilit na kinalma ang aking sarili. Mapakla akong ngumiti. "Si John nasa Sunrise City, si Mitch at Erik naman nasa abroad at si Paolo nasa Beren County."
Ayokong sabihin sa kaniya na nagdesisyon kaming lima na maghiwalay muna. Masakit pero kinailangan naming gawin 'yon dahil hindi namin alam kung papaano ire-resolba ang mga nagawa naming pagkakamali.
We were young, careless and we f****d up big time!
Tahimik ulit kami habang naglalakad nang masilayan namin ang apartment naming magkatabi. Iimbetahin ko sana siya ng hapunan sa loob ng pad ko nang makita ko ang isang babae na nakatayo sa harap ng bahay ni Kristine. Dahil alas otso na ng gabi at ang street lights lang ang nagsisilbing ilaw kaya hindi ko matantiya kung kilala ko ba ang babae. Maliit siya at naka sweater with hood, nakasuot ito ng eyeglasses at –
"Mars!" singhap ng babae.
Si Apple? s**t!
"Mars," masayang bati ni Kristine, "oh napadalaw ka yata."
Tumawa ang babae. "Holiday sa Sunrise sa Monday at Tuesday dahil sa isang festival."
Lumingon ang babae sa akin at napanganga siya. Nakita kong namumutla siya kahit madilim ang paligid.
"Apple," bati ko, "long time no see ah. May eyeglasses ka na pala ngayon..."
Napalunok siya. "Pa-para pares kami ni Brody."
"Nasan na si Brody?" tanong ni Kristine.
"Alam mo naman ang lalaking iyon na asawa niya ang studies at ako lang naman ang kabit," natatawang pahayag ni Apple.
"Gaga ka talaga," nakangiting sagot ni Kristine. "Para sa future niyo naman 'yan."
May kung anong humihila sa heart strings ko nang masilayan ang ngit mula kay Kristine. It's been a year na hindi ko nakita ang sincere at matamis niyang ngiti.
Lumingon si Kristine sa akin. "Gusto mong maghapunan sa loob?"
First time kong narinig ang imbitasyon mula sa kaniya. Gusto kong tanggapin pero alam kong matagal-tagal na rin silang hindi nagkita ni Apple kaya umiling ako. "Sa susunod na lang."
May nakita akong isang liham na lumabas ang kalahating sobre sa sa mail box. Nakalimutan kong i-check ito nitong mga nagdaang araw kaya hindi ko napansing puno na pala. Isa-isang sinegregate ko ang p*****t ng plans, p*****t ng kuryente, p*****t ng apartment, at isang sulat galing kay John mula sa Sunrise City.
Himala, ito siguro ang first time na makakatanggap ako ng sulat mula kay John. Kunot-noong binuksan ko ang sulat at binasa:
'Errol,
If you read this letter it means I'm already gone.
Hindi ko na kaya – hindi na kaya ng konsensya ko 'yon nagawa ko last year. God, I didn't mean it – really – it was just a prank. I'm having nightmares every f*****g night. I'm drowning myself with booze pero nakikita ko pa rin ang mukha niyang parang patay.
Patawarin mo ako...God, I'm so sorry...I can't do this anymore. Tell him and her I'm sorry... I just want these nightmares to stop because they're driving me crazy.
Sorry if I was a shitty friend to all of you guys...sorry...
John'
Nanginginig ang mga kamay ko habang inulit kong basahin ang sulat kamay niya. s**t, joke ba 'to?!
Dali-dali akong tumawag sa residence nila John at nagulantang sa sinabi ng mama niya, "Oh Errol, wala na si John. Nakita nila ang katawan niya kaninang umaga sa dormitory. He killed himself – my son killed himself."
Humagulgol si Tita at may sinabi pa tungkol sa funeral ngunit hindi ko na siya narinig kasi nabitawan ko ang phone at natumba sa sahig sa balita niya.
Nakatingin ako sa ceiling habang sinapo ko ang aking dibdib. Ang sikip sikip at nahihirapan akong makahinga. Gusto kong sumigaw sa galit, sa takot pero napanganga lang ako at walang boses na lumabas.
"Errol, ano bang nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ng isang babae. Pamilyar ang boses niya kaya lumingon ako sa direksyon niya.
Si Apple.
Anong ginagawa niya rito? Susumbatan ba niya ako?
"Bakit ka sa sahig nakahiga?" Naramdaman kong hinila niya ako. Binigay niya ang kaniyang lakas kahit natutumba siya sa paghila sa'kin. Malambot pa sa jelly ang katawan kong tumayo at pilit makarating sa kama.
"Errol, tatawagan ko muna si Mars at babalik kami rito para ipagluto ka," sabi niya bago umalis. Pero wala pa rin akong sinagot at nakatunganga lang.
Anong oras na ba? Napalingon ako sa bintana at napapikit dahil sa liwanag na pumasok sa kwarto ko. Hindi ba gabi pa ngayon? Bakit naging umaga na? Nananaginip ba ako?
"Errol, tulog pa si Kristine pero nag-iwan ako ng note na andito lang ako sa bahay mo. Nagprepare ako ng makakain mo – ayyyy...."
Hindi ko alam kung bakit at ano ang ginawa ko pero naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong, "Hindi mo nakuhang i-lock ang pinto kaya nakapasok ako at nakita ang liham sa sahig. It's alright to cry, Errol."
Hindi talaga panaginip 'to? Patay nga si John!
Tila hinila ng dibdib ko ang aking tiyan sa sakit. Hindi ko alam kung bakit 'di ko mapigilang yumugyog ang mga balikat ko at walang habas na dumaloy ang mga luhang kagabi pa namumuo.
"I'm sorry....we're so sorry...fuck...."
Umalis siya ng kuwarto at bitbit ang isang mangkok ng oatmeal nang makabalik. Sinigurado niyang mauubos ko ang pagain bago siya kumuha ng T-shirt ko sa closet.Para akong baby na tinulungan niyang magbihis at ipinahiga ulit sa kama. Niligpit rin niya ang mga konting kalat sa kwarto at wala akong ginawa kung hindi panoorin siya.
"Mars?" malakas na sigaw ni Kristine.
"Andito ako sa kuwarto ni Errol, Mars," sagot ni Apple.
"Oh bakit napunta ka rito – " Napalingon si Kristine sa akin at napa, "Oh s**t anong nangyari sayo Errol?"
Tiningnan ako ni Apple bago niya hinila si Kristine palabas. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko makuhang magsalita sa mga sandaling iyon lalo na at andon si Kristine. Takot ako sa totoo lang. Pero hindi ko alam kung saan ako mas takot ang malaman niyang nag suicide si John o ang maalala niya ulit ang nangyari sa lawa kapag nabanggit ko ang pangalang John.
Parang sasabog ang dibdib ko nang bumalik si Kristine sa kuwarto at tiningnan ako nang malalim. "Makakaya mo 'yan, Errol."
*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
"Pare..." bulong ni Paolo bago niya ako niyakap.
Sinuklian ko ang pagkakayakap sa kaniya ng mahigpit. "Wala na si John."
Nakaupo kaming tatlong magkakaibigan sa puntod ni John.
"May dala ako ritong konti..." Nagpalabas si Erik ng isang coleman at binuksan. Wala pa rin kaming reaksyon nang binigyan kami ng tag-iisang bote ng alak.
Kinuha ko ang bote at nilagok ang laman nito. Sana mabura ng alak ang masakit na katotohanang wala na si John.
"Hindi ba makakahabol si Mitch?" tanong ni Paolo.
Umiling si Erik. "May finals raw siya at hindi pwedeng late ng take or mag removal."
"We need to constantly contact him," ani Erik habang pinaikot-ikot lang ang alak sa bote ngunit hindi man lang nito tinikman ang likido. "Ayokong matulad siya kay John. Bibisitahin ko muna siya sa Singapore bago ako babalik ng Velusca."
Tumango kami at naging tahimik habang umiinom. Nakatuon ang mga mata ko mumunting cards na nakalagay sa mga bulaklak.
"Where did we go wrong...?" Nanginginig ang boses ni Paolo.
Hindi ako sumagot samantalang nagkibit-balikat si Erik.
Napabuntong hininga si Paolo. "Pare, siguro hindi ito ang tamang oras pero gusto ko lang malaman niyo na ikakasal ako this year."
Namilog ang aking mga mata. "Sinong malas na babae?"
"Si Joy, kaklase ko sa Calculus..." mahina niyang sagot, "buntis siya."
"Hindi na uso ngayon na kapag buntis ay dapat pakasalan," ani Erik.
Umiling si Paolo at pagkuway hindi napigilang umiyak. "Alam ko pero sa nangyari kay John, gusto kong itama ang mga kamaliang nagawa ko..."
"Pero kasal ang pinag-uusapan natin rito Paolo," hindi ko maiwasang magsalita. "Sa tingin mo ba makakabuti 'tong desisyon mo sa future niyong dalawa ng girlfriend mo?"
"f**k, she's not even my girlfriend." Yumugyog na talaga ang mga balikat ni Paolo. Lumapit si Erik sa kaniya at niyapos siya. "It happened one time pare. And to top it all, her family is strictly conservative. Naaawa ako kay Joy kapag hindi ko siya pinakasalan."
Mas naaawa ako kay Paolo kasi feeling ko hopeless ang sitwasyon ng lalaki. Naaawa ako sa sitwasyon naming magkakaibigan – nawalan na nga ng isa at hindi pa kami magkakasama. Naaawa ako sa kung saan kami ngayon dahil sa mga nagawa naming kamalian sa buhay.
Napahilamos ako sa mukha ko at tahimik na umiyak. Tiningnan ko si Erik at hindi maiwasang lumuha ng stoic na kaibigan.
"We f****d up so much, right?" Pilit na ngumiti si Erik.
Nagpalipas pa kami ng ilang oras sa puntod ni John bago kami nagsiuwian. Laking gulat ko nang makita si Kristine na nakaupo sa sofa sa apartment ko.
Lasing ba ako?
"Kumain ka na ba? Nagluto ako rito ng sabaw. Gusto mo ng kape?" sunod-sunod nitong tanong.
Medyo nabaguhan ako sa aksyon niya pero hindi ko magawang isiwalat ang aking naisip kaya umupo lang ako sa silya sa komedor at pinanood siya habang naghanda ng aking makakain.
Parang si Mama Zennia...
"Bakit andito ka?" tanong ko.
Napahinto si Kristine sa ginawa niya at namumulang sumagot, "Ah eh, sabi kasi ni Mars na hindi ka pa raw masyadong magaling."
""Di ka na sana nag-abala..."
Lumapit siya sa'kin at inilagay ang kaniyang kamay sa aking baliktat. "Condolence, Errol."
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at pinisil ito. "Salamat."