Ilang araw din ang itinagal ni May sa hospital at mahal ang mga naging gamot at bill nila sa hospital. Hindi ko naman sila matiis kaya wala akong naging choice kung hindi ang ibigay na rin ang ipinadalang pera nila Cathy at Rina sa akin. Lalo lang nadagdagan ang problema ko dahil mukhang wala na ring pag-asa sa mga pinasahan kong trabaho. Isang araw matapos makauwi si May ay nagpasya na akong maghanap ulit ng trabaho. Gaya nung nakaraan ay maaga akong umalis sa bahay. “Ay miss beautiful, kuha ka na ng magazine ko. Mukhang nag-a-apply ka ng trabaho, e. Marami kang makikitang hiring diyan.” Malanding usal ng isang baklang lumapit na lang bigla sa akin. Kasalukuyan akong nag-aabang ng taxi. “Malay mo bigla ka na lang swertehen.” Kinindatan niya pa ako. Kimi akong ngumiti sa kanya, mukha n