3 minutes na lang.. Hindi na ako nakatiis, tumayo ako ulit at pinuntahan ang guard. Bakit ba kasi wala yung guard kahapon? At least yun baka sakaling kilala ako. “Ano na Manong? Aba, ang tagal niyo naman hanapin ang pangalan ko. Marami bang aplikante, ha? Nasaan ba kasi yung naka-duty dito kahapon? Kilala ako nun!” “Ah, kauuwi lang po kaninang umaga. Pasensiya na ma’am, sige pasok na po kayo.” Tila nahihiyang saad niya. Ni hindi nga ito makatingin ng deretso sa akin. Hmmp. Mabuti naman. Walang kibo akong dumeretso sa front desk, iba na ring babae ang naka-duty doon. Hindi ko alam kung nagkakamali lang ba ako ng building na napasukan o nagpapalit lang talaga sila ng mga trabahador araw-araw? Ang weird kasi.. “Yes ma’am?” seryosong tanong ng babae sa akin. “Ah, interview ko kasi ngayon