FRIENDSHIP

2358 Words
  CHAPTER 9 “Gusto kita! Mahal na nga yata kita e! Bakit hindi mo maramdaman? Bakit ayaw mo pang aminin na gusto mo rin ako Kash!” Namilog ang aking mga mata. Parang sumabit ang aking paghinga. “See, hindi mo ako masagot. Is it because I am not worthy of your love?” “Hindi ah. Hindi lang ako handa pa.” Hindi ko alam kung magulo lang ako. Mahal ko siya. Gustung-gusto ko siya ngunit ayaw kong maging kami, o mas tumpak na sabihing ayaw ko PANG maging kami. “Okey, then please don’t follow me like you care! Just stop being nice and friendly! Okey?”  “Nasasabi mo lang ‘yan ngayon Bry kasi frustrated ka. Sana maisip at matanggap mo na hindi ako handa, iyon ay kung seryoso ka nga at hindi mo ako pinagti-tripan lang.” “Isa pa ‘yan. Tingin mo naman niloloko lang kita. Iba ka sa mga jino-joke ko lang. I now that you know the big difference.” “I don’t know Bry. Ipakita mo kaya munang seryoso ka kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung sineseryoso mo ako. Tulad ng sinabi ko sa’yo, wala sa isip ko ngayon ang magpaligaw o sumagot sa mga manliligaw na ‘yan. Gusto kong makatapos sa pag-aaral. Hindi ba napag-usapan na nga natin ‘yan dati?” “So, I never ever have a chance on you. Am not good enough, gano’n ba ‘yon?” Namula ako sa diretsuhan niya mga sinabi sa akin. Hindi ko napaghandaan na para bang pinagluluko lang niya ako. Oo, gusto kong makatapos sa pag-aaral. Iyon lang kasi ang tanging paraan para guminhawa rin ang buhay namin ni Nanang ngunit paano nga ba turuan ang puso para tumigil muna itong tumibok para sa isang nakaguwapo at sa tingin ko naman ay tama at karapat-dapat na lalaki. Mahirap nga ako pero anong pinagkaiba ng mahirap na babae sa mayaman kung puso ang pinag-uusapan? Pare-pareho lang kaming lahat na tao. May damdamin, marunong magmahal, may kakayanan ding lumigaya at maari ring masaktan. Ang pagkakaiba nga lang ay kung mahirap ako, parang ang tanging dapat kong gawin ay ang magtrabaho at piliting umahon muna sa kahirapan. Wala akong karapatang magmahal hanggang di mo naayos ang buhay ko. Ngunit bata pa ako. May kapusukan, marami pang hindi alam. “Ano nga, please, for God’s sake, tapatin mo na lang ako kasi nagpapakatotoo na ako sa’yo. It takes a lot og guts na magtanong sa’yo ng ganito no?”   “Seryoso ka ba talaga?” “Mukha ba akong nagbibiro? Ang labo mong kausap.” “Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Ikaw, liligawan mo ang katulad ko lang? Ikaw, mahal mo ang ang kagaya ko? Ikaw, gusto ang mahirap at magsasakang kagaya ko? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo bang pinapasok mo?” sunud-sunod na paglilinaw ko. Baka kasi pinagti-tripan lang niya ako. Alam ko kasing gano’n rin naman siya sa iba naming mga kaklase na alam niyang may gusto sa kanya.   “Hindi ba puwede, kailan naman hindi naging posible?” balik tanong niya sa akin.     “Magkaibigan tayo hindi ba? Barkada? Ginagawa mo ba ito dahil sa ginawa ni Juvie sa’yo? Gustong mong may mapaglibangang iba?”  “Kung inisip kong maglibang lang, hindi sa’yo. Hindi ko magagawa ‘yan sa best friend ko. Ginagawa ko ito dahil gusto kita. Mahal kita Kashmine noon pa. First year palang tayo. Alam kong may gusto na ako sa’yo. Kaya nga ang manhid manhid mo.” Napalunok ako. Wala akong nakitang signs. Ang buong akala ko kasi.. “Hindi lang ako nakapagtapat nang una kasi nagsimula tayong magbarkada. Baka kasi isipin mo, nagsasamantala ako. I don’t want you to think that I am using the friendship para mapalapit sa’yo.” seryoso pagpapatuloy niyang sinabi sa akin.  Naalala ko ang sinabi ni Nanang. Hindi ako dapat nagtitiwala agad sa kagaya niyang mayaman lalo na sa pag-ibig. Oo, gusto ko siya. Mahal ko na nga e, pero may self control pa rin naman ako. Kaya ko pang kontrolin ang isinisigaw ng aking puso kahit sa totoo lang ay gustung-gusto ko na. Pero sa tuwing naalala ko ang pangaral ni Nanang ay umaatras ako. Naisip ko na hindi ako papayuhan ni Nanang ng hindi totoo. “Masyado pa tayong bata para diyan, baka puwedeng unahin muna natin ang ating pag-aaral,” sagot ko. Sinasabi iyon ng bibig ko ngunit hindi ng puso ko. Noon ko pinangarap na maging kami. Ngunit ayaw kong sagutin siya kaagad. Kung mahal niya ako, kailangan niya akong ligawan. Kailangan niyang maghintay. Kailangan niyang patunayan. Ayaw kong magkamali kagaya ni Nanang.     “Basted din pala ako sa’yo e. Basted na kay Juvie, pati rin pala sa’yo na matagal ko nang mahal at siyang dahilan kung bakit hindi ako masagot ni Juvie ay palpak pa rin” bulong niya sa sarili. “Sorry pero sana…” “Okey na. Okey lang. Sige, do’n na muna ako ha? Wala siguro talagang nagkakagusto sa akin.” Mabilis siyang tumalikod. Hindi ko na nagawa pa siyang pigilan. At ano naman ang ihahabol kong sabihin para mapigilan ko siya? Aamin na mahal ko na rin siya? Ganoon na lang ba kabilis kong ibigay ang matamis kong “Oo”? Oo, mahirap ako ngunit hindi ako easy to get. Sa pagdaan ng mga araw ay ako na ang umiwas kay Juvie para hindi isipin ni Bryan na nagkakadikit ang dalawang babaeng bumasted sa kaniya. Ayaw kong isipin niya na napag-usapan namin ni Juvie na biguin siya sa loob lang ng isang araw. Hinayaan ko na muna siya kung lumalayo siya sa akin ng upuan. Naiintindihan ko siya kung bakit hindi niya ako pinapansin. Kung nagkataon na magkasalubong kami ay siya ng umiiwas at kung walang iiwasan, nakayuko siya. Hindi na niya ako hinihintay pa sa waiting shed. Hindi na rin niya ako isinasakay sa hapon. Kapag nadadaanan niya ako ay parang wala siyang nakita. Masakit, nasasaktan ako pero hindi naman pwedeng bawiin ko ang sinabi ko. Tulad nga ng sinabi ko, kung mahal niya ako, di ba dapat siya sa akin ang sumusuyo? Babae pa rin ako. May pagsisisi man sa mga sumunod na araw, kailangan kong panindigan. Kung siguro araw-arawin lang sana niya ang panliligaw, I am sure na bibigay ako. Kaso wala e. Sanay at gusto niya lagi ng instant. Isang umaga nang hinuhugasan ko sa pilapil ang putikang paa ko para isuot ko ang sapatos ko na regalo niya ay biglang may lumapit sa akin. Nag-aabot ng pamunas ng paa. Nang tignan ko ay nakita ko siyang naka-shades pa ng itim. Para tuloy siyang si Daniel Padiila. Kinilig akong tinanggap ang pamunas. “Oh ano, okey ka na?” biro ko sa kanya. “Ikaw talaga.” “Okey na, basta hindi muna magpapaligaw sa iba ha?” “Oo hindi na muna. Sa’yo nga hindi ako nagpapaligaw, sa iba pa kaya? Mag-aral nga kasi muna tayo. Okey naman tayo dati ah. Masaya naman tayo. Ikaw lang itong biglang gusto na lang maging tayo.” “Sorry. I just realized that I miss you. Na mas matimbang ang pagmamahal ko sa’yo at pagkakaibigan natin kaysa sa pride ko.” “Salamat. Ang lungkot ko kaya nang iniwasan mo na ako.” “Talaga ba? Ako rin. I can’t f*****g sleep. Wait, I have been thinking of this, paano kung ako muna ang manliligaw sa iba? Magagalit ka?” Napalunok ako. Parang hindi ko yata kaya pero kinaya ko noon kay Juvie, pakiramdam ko naman kakayanin ko pang muli pero bakit niya gagawin iyon kung talagang mahal niya ako. Gusto kong sabihin iyon ngunit anong karapatan kong itali siya na manatiling single kung di ko siya kayang panindigan pa. “Ano okey lang ba sa’yo?” “Oo naman,”sagot ko kahit masakit. Gusto kong sabihing “gago k aba? Mahal mo ako, mahal kita. Maghintay ka naman hindi yung liligaw sa iba.” Pero natagpuan ko ang sarili kong sinabi ko na lang ito..“Karapatan mong manligaw ng iba, kaya sige lang.” “Sinabi mo ‘yan ah.” Tumango lang ako. Nakapatanga mo talaga Kashmine. Ang tanga mo na nga, ang plastic plastic mo pa.” bulong ko sa aking sarili, kasabay ng pilit na ngiti ko sa kanya para hindi niya mapansing ayaw ko sana at nasasaktan ako. “Paano, friends pa rin?” inilahad niya ang kamay niya sa akin. “Best friends, okey lang ba?” tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa akin. Tumawa siya. “Sige. Best friends nga pala.” Nakita ko ang maputi at pantay niyang mga ngipin. Daniel na Daniel lang huh! Mahal na mahal ko noon si Bryan kaya lang hindi ko kayang ihayag sa kanya. Kinakaya kong pigilan ang sarili ko dahil may Diary ako noon na siyang sumbungan ko sa lahat ng nararamdaman ko. Doon ko isinusulat ang mga hindi ko masabi sa kanya. Doon ko lahat sinasabi kapag masaya ako at kahit malungkot. Doon ko inilalabas ang sobrang pagmamahal ko sa kaniya. Lahat ng mga ginagawa namin ay sinusulat ko doon. Tuloy puro siya lang ang laman. Wala akong itinago. Naghihintay ako at umaasang ligawan niya ako. Ngunit hindi na niya sinabi pa iyon. Masakit sa akin na para bang minsan lang niya iyon sinabi sa akin ng seryoso at hindi na niya sinubukang ilaban ang kaniyang pagmamahal. Hindi na siya sumubok pa sinabing maghihintay siya hanggang handa na ako. Kung totoo ngang gusto at mahal niya ako di ba dapat nagpakita pa siya ng pagkapursigido. Ganoon ba silang lumaki sa America? Ako na tuloy yung sobrang nahihirapan sa aking nararamdaman. Hindi ko naman masabi sa kanya na ituloy lang niyang ligawan ako at sasagutin ko siya. Dahil isa ako sa pinakamatalino sa aming campus, naging madalas ang paglabas-labas ko noon dahil naging pambato na ako ng aming school sa halos lahat ng contest sa pagsulat, pagtatalumpati, pagguhit at kung anu-ano pang mga contest. Lahat halos pinapanalunan ko kaya naging kilala na ako hindi lang sa buong Cagayan kundi ang buong Region II. Hindi pa man ako nakakasungkit ng first place sa national contest ngunit alam kong darating din yung araw na magiging national Champion din ako. Natapos ang second year namin at ako pa rin ang hinirang na First Honor. Masayang masaya pa rin si Nanang. Nakapag-ipon an si Nanang ng pambili namin ng bago kong uniform at sapatos. Naawa ako na ako ang inuuna niya lagi kaysa sa kanyag maisusuot. Kung anong suot niya nang nasa first year ako ay iyon pa rin ang suot niya nang second year ako. Naawa ako at naiiyak dahil kung itatabi si Nanang sa mga kasama niyang pumanhik sa stage, nagmumukha siyang katulong nila sa bukid. Iyon ang siyang nagtutulak sa akin para magpursige pa. Balang araw mabibilhan ko si Nanang ng bago niyang sapatos at damit. Mapapagupitan ko siya at malagyan ng pampaganda sa mukha. Gusto kong bigyan siya ng magandang buhay. Yung buhay na deserve na deserve niya dapat noon pa. Third Year na kami noong biglang isang umaga ay kinausap na ako ni Bryan ng masinsinan. “Baka ito na ang huli kong paghihintay sa’yo.” “Ano?” “Hindi na kita mahihintay e.” “Pasensiya ka na ha. Okey lang naman kung mauna ka na. Kaya ko namang maglakad papuntang school.” “So, ganoon na lang ‘yon?” “Oo ano ka ba? Kung hindi mo na ako mahintay e di huwag mo na lang akong hintayin.” “Sige. Hindi na lang muna kina hihintayin. Nakakapagod kasing maghintay  lalo parang wala naman na talaga akong mahintay.” “Kaya sinabi ko noon sa’yo pa, first year tayo na hindi mo na ako hintayin pa. Ikaw lang itong mapilit e.” “Okey. Mukhang wala rin naman pala ako sa’yo?” “Anong sinasabi mo? Yung paghihintay mo pa ba dito sa waiting shed ang pinag-uusapan natin?” Hindi na siya sumagot pa. Pinaandar na niya ang kanyang motor. Tahimik akong umangkas. Iba ang umagang iyon sa mga nakaraang umaga.. Hindi siya nagsasalita. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa aming school. Wala sa amin ang bumasag sa katahimikan. Tanging malalalim na hininga lang niya ang narinig ko mula sa kanya. “Salamat.” “Salamat din sa dalawang taong pagpapahintay. Sige ingat lagi.” Tumalikod na siya. Mabilis ang kanyang paglakad. Halatang ayaw niyang sabayan ko siya sa kanyang paglalakad. Nang nasa class room na kami ay sa mga bakanteng upuan sa likod siya umupo. Wala rin naman kaming seating arrangement kaya pinabayaan ko lang. May topak yata. Naisip ko. Hindi ko alam na iyon na pala ang paraan ng pagsasabi niyang pagod na siyang hintayin na maging kami. Ngunit paano naman maging kami kung hindi naman na siya nanliligaw. Ngunit sana naramdaman niya kung gaano siya kaespesyal sa akin. Oo, siya ang madalas manlibre at magdala ng food sa akin. Siya ang sumusundo at naghahatid sa akin. Ngunit lahat ng gawan sa school ako ang gumagawa. Kulang na nga lang ako ang sasagot sa kanyang examination paper e. Hindi ba niya pansin kung gaano kalagkit ang aking mga tingin? Hindi ba niya nararamdaman kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ko siya? Hindi ba niya batid ang aking pagtatangi sa kanya? Kinabukasan no’n nalaman ko na ang lahat. Kaya pala hindi na niya ako mahintay. Kaya pala nagpasalamat na siya sa dalawang taon daw na pagpapahintay ko sa kanya. Ibig palang sabihin no’n may bago na siya. May ipinalit na siya sa akin nang hindi ko man lang alam at naramdaman. Noon ako unag umiyak sa isang lalaki. Unang pagkakataong nasaktan akong husto kahit alam ko namang wala akong karaparan. At dahil doon, lumabas ang ibang ugali na meron din pala ako. Kailangan kong lumaban. Kailangan ko siyang mabawi sa kahit anong paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD