CHAPTER 19 “Nang, si Bryan nasugatan.” “Ano?” mabilis na lumapit si Nanang sa amin. Nakita ko sa mukha ni Bryan ang pamumutla. Kinabahan ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. “Sandali, malaki ba? Patingin.” Hinawaka ko ang kamay niyang pilit niyang itinatago sa akin. “Ano? Anong nangyari?” humahangos si Nanang. “Nakumpay ni Bryana ng daliri niya.” “Patingin anak, tignan ko kung malala.” Nanginginig si Bryan na ipinakita ang kanyang duguang daliri. Mabilis na umalis si Nanang nang makita ang sugat ni Bryan. Naghanap siya ng itatapal na dahon. Nang nakakita si Nanang ng halamang ligaw ay kumuha siya ng maraming d**o. Hinukasan niya iyon. Dinikdik niya gamit ang hawakan ng kanyang kumpay. Iyon kasi madalas ang ginagamit niya noong bata ako kapag nasusugatan ako. Pumunit siya ng