Chapter 16 Mabilis ang ginawa kong paglalakad. Hanggang sa hindi ko na nakita pa si Nanang. Malayo-layo na rin naman ang aking nilakad at doon, sa silong ng isang malaking puno ko iniiyak ang lahat ng sama ng aking loob. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit hindi ako magawa ni Nanang na mapagkatiwalaan. Bakit hindi lagi niyang inihahalintulad ang sarili niya sa akin. Hanggang sa biglang may nagbusina. Inayos ko ang aking sarili ngunit nakita na ni Bryan na umiiyak ako. Tinanggal niya ang kanyang salamin at nilapitan ako. Tumabi siya sa akin. Huminga ng malalim bago siya nagsalita. “Isusuko mo ba ako tulad ng sinasabi ng Nanang mo?” “Hindi ko alam.” “Hindi mo alam. Ibig sabihin may chance na bibitiwan mo nga ako.” “Gulung-gulo ako. Ang tanging alam ko lang ay mahal kita. Mahal