CHAPTER 13 “Hindi mo alam? Hindi mo kilala kung sino ang boyfriend mo?” “Alam ko hong mayaman siya ngunit hindi ho ganito kayaman.” “Ano now you know. At least alam kong hindi ang pera ng amo ko ang habol mo kundi dahil mahal mo talaga siya.” “Mahirap man siya kagaya ko ho o mayaman, mamahalin ko pa rin ho siya.” “Wow naman. Siyempre naman, kahit pa hindi mayaman yang si Sir Bryan e saksakan naman nga kaguwapuhan kaya complete package na talaga siya. O, siya, halika ka na. Ipapa-assist kita sandali sa staff ko.” “Sige po.” Sumunod lang ako kahit tumatanggi ang kalooban ko at nahihiya. Nagugulat pa rin kasi talaga ako at hindi makapaniwala. “Vicky, late ka na naman. Itabi mo na muna ‘yan dahil may ipagagawa ako sa’yo sandali.” puna ni Kuya David sa babaeng biglang umupo at kunwari