CHAPTER 40 “Ipagbibili na natin ito nang magamit sa bahay. Aanhin mo naman ang alahas. Pera na’to.” “Tang akin ang mga iyan. Ibinigay iyan ni Bryan para sa akin kaya wala kayong karapatang ipagbenta ‘yan katulad ng pagbebenta ninyo kay Mang Berto sa aking p********e. Muntik na akong nagahasa dahil sa inyo!” “E, ano naman? Inalagaan kita. Lumaki ka sa poder ko kaya wala kang karapatang tumanggi kung ano man ang gusto kong gawin sa’yo at sa bahay na ito!” Hindi ako makapaniwalang mas mahalaga sa kanya na ipagbenta ang alahas kaysa sa ibinalita kong muntik na sa akin ay pagkagahasa. Hindi na nga tao pa si Tatang. Isa siyang hayop na walang pakiramdam. “Inalagaan? Kailan? Wala kayong karapatang sumbatan ako. Hindi ninyo ako inalagaan o minahal. Lumaki ako ng ako lang ang nag-alaga sa s