CHAPTER 38 Nakita ko si Bryan na mabilis na nalalakad palapit sa akin. “Kuya ano ‘yon?” “Wala sir, bumigay yung ipinatong ni Rita na malaking halaman sa mesang gawa sa salamin. Nabasag ho.” Halatang hinarangan siya ng guard. Pilit akong gumapang palabas sa Gazebo para makita niya ako. Konting gapang na lang. “Tara na anak. ma-late na tayo sa flight natin.” mabilis na siyang binalikan ng Mommy niya. Umikot pa siya paraa hindi ako makita. Hinila siya palayo sa Gazebo. Nakalabas na ang aking ulo nang binalikan ako ng Guard at tinakpan niya ako. Patuloy ang aking pag-iyak. Nawala na yung kanina ay katiting kong pag-asa. Isinisigaw ng isip ko ang “Bryannnnn!” dahil kahit anong gawin ko ay ungol lang ang lumalabas sa akin. Hanggang sa natanaw ko na lamang na binuksan ni Bryan ang kanilang