Chapter 31 - Realizations

1810 Words

Napatitig ako sa kisame habang nakalapat pa rin ang likod ko sa malamig na sahig. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis si Archie at iwan ako. Napakurap ako bago napahawak sa labi ko. Naramdaman ko ang init ng pisngi ko at ang pamumula niyon. Parang kaunti na lang ay papanawan ako ng ulirat. Halik lang ‘yon pero nakakabaliw na. “F*ck, that was my first kiss,” bulong ko habang hawak ang labi ko. In almost 21 years of my life, ngayon lang ako nahalikan. Muling bumalik sa isipan ko ang paglapat ng labi ni Archie sa labi ko. Ang marahan ngunit tila ekspertong paggalaw niyon. Sarkastiko akong natawa sa loob-loob ko. Kailan pa siya natuto sa mga ganoong bagay? Nanatili lang ako sa pwesto ko kahit na noong bumukas ulit ang pinto. Napasigaw si Mauve nang madat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD