Chapter 7 - Trauma

2235 Words
Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa tuluyan kaming nakalayo at nakawala sa kanila. Hingal na hingal kaming tumigil sa isang lugar na malayo roon, sa maraming mga tao para hindi nila kami mahanap at malapitan. Siyempre hindi ko naman kayang makipagbugbugan nang ilang oras doon, ‘no! Ayokong magulpi. Mayayari din ako kina Mauve kapag nalaman nila ‘to. “Ang sakit ng kamay ko!” hinihingal na reklamo ko at napahawak sa magkabilang tuhod, tumatagaktak ang pawis kahit ‘di naman mainit ang panahon. Nang tingnan ko si Dabin ay putlang-putla siya at pawis na pawis dahil sa takot at pagtakbo namin. Napaupo na lang siya sa isang tabi kaya agad ko siyang inabutan ng tubig. “Ayos ka lang ba?” tanong ko. “S-Salamat,” tanging sabi niya at inabot sa akin ang bote ng tubig. Halata pa lang sa itsura niya na hindi siya sanay sa ganito, ‘yong tumakbo mula sa mga siraulong tambay at siga sa kanto. Nanginginig siya sa takot. Hay, nakakainis sa tuwing may binibiktima at pinakikialaman ang mga lalaking ‘yon. Dapat talaga sa kanila ay tinuturuan ng leksyon. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo rin sa tabi niya. Napatingin ako sa mga taong naglalakad paroo’t parito bago napanguso nang bumaba ang tingin ko sa kamay ko dahil namumula ‘yon. Ganoon katigas ang mukha ng mga lalaking ‘yon. “S-Salamat nga pala ulit…” Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Dabin, mahina ang boses, kaya naman nilingon ko siya. “Ano ka ba, wala ‘yon, ‘no. Sa susunod na lapitan ka no’ng mga ‘yon, dapat sapakin mo! Nako, hindi na ‘yon natuto! Kainis,” litanya ko. Mahina siyang natawa at alanganin akong tiningnan. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay may halong pagtataka, takot, at pagkamangha. “K-Kilala mo ba sila?” Agad akong umiling-iling. “Hindi, ‘no. Baka mamaya isipin mo, kasama nila ako. Grabe, hindi, ah. Mahilig lang ako sa gulo pero hindi ako gano’n.” Ngumuso ako. Natawa si Dabin. “Wala naman akong sinabing kasama mo sila.” “Oo nga pero baka kasi jina-judge mo na ako diyan,” sabi ko naman. “Hindi… nagulat lang ako. Namamangha nga ako dahil nagawa mo silang labanan.” Maliit siyang ngumiti. “Kapag suki ka sa gulo sa kanto, matututo ka na lang ng taekwondo kahit hindi ka nag-aral n’on,” sabi ko at tumawa. “At saka dapat sa mga ‘yon ay hindi pinapalampas. Huwag kang papayag na aalis kang hindi mo sila nasasapak man lang at saka huwag kang papayag na makita nila ang takot mo dahil mas lalo ka nilang tatakutin.” Nakikinig lang siya sa akin at tumango-tango sa mga sinabi ko. “Wala akong nagawa… natakot ako. Hindi ako sanay sa gano’n.” “Minsan mapipilitan ka talagang gawin ang mga bagay na hindi mo nakasanayan at hindi mo akalaing magagawa mo para maprotektahan ang sarili mo,” payo ko sa kaniya at maliit na ngumiti. Tiningnan niya ako na para bang inaaral ang pagkatao ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin at tumayo. “Pauwi ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Tumingala naman siya at marahang tumango. “Galing ako sa gig at pauwi na sana.” “Saan ka ba nakatira? Tara, sasamahan na kita pauwi,” offer ko at tinulungan siyang buhatin ‘yong guitar case ngunit napatigil ako nang matanaw ko ang braso niya dahil lumaylay ang suot niyang jacket. May mga pasa roon, ‘yong iba ay mukhang matagal na at pahilom na pero mayroong mga parang bago lang. Nagulat ako nang makita ang palapulsuhan niya, mayroong mga cloth bracelet na nakakapagtaka ang dami, pero hindi nakalagpas sa paningin ko ang ilang guhit doon. Siguro ay sinadya ang mga bracelet para takpan iyon. Palagi rin siyang nakasuot ng mahabang manggas. Nag-angat ako ng tingin sa mukha ni Dabin at ngumiti siya sa akin. Hindi niya napansin na nakita ko ang mga pasa niya. A weird feeling creeped all over me. Bigla akong namutla at gumapang ang takot sa akin. Nanghina ang mga tuhod ko. “B-Bakit may mga pasa ka? Ginawa ba ‘yan sa ‘yo ng mga lalaking ‘yon?” tanong ko kay Dabin. Natigilan siya at agad na hinawakan ang mga braso niya bago iniwas ang tingin sa akin. “W-Wala ‘to. Huwag mo nang pansinin.” Nag-iba ang tono ng pananalita niya, parang biglang naging aligaga. Hindi ako nakasagot at nanatili lang sa kinatatayuan. Hindi kalaunan ay tumango na lang ako. Sinamahan ko siyang maglakad hanggang sa isang street. Sabi niya ay ayos na raw siya at kaya niya nang umuwi nang mag-isa. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. “S-Salamat ulit, Ace. Kung hindi dahil sa ‘yo ay baka napahamak na ako.” Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin niya ‘yon. “Walang anuman, Dabin,” usal ko at ngumiti. KINABUKASAN ay buong araw akong naging abala. Wala ako sa focus at malalim ang iniisip. Noong umaga ay maaga akong gumising para pumasok. Gaya ng nakasanayan ay sabay-sabay kami nina Mauve, Sienna, Archie at Toshi sa pagpasok dahil pare-parehas kaming maaga ang klase. May kotse kasi si Toshi at ‘yon ang gamit namin. Nakikisabay na rin kami nila Mauve para makatipid sa pamasahe. Mabait naman si Toshi at walang kaso ‘yon sa kaniya. Matapos ang klase ay dumiretso ulit ako sa convenience store at pagkatapos ng shift ko ay mag-isa na naman akong umuwi. Hindi ulit kami sabay ni Archie. Hindi niya na rin nabanggit. Marahil siguro ay busy siya. Wala namang kaso sa aking umuwi nang mag-isa dahil sanay naman ako. Independent ako pagdating sa ibang tao, iyon bang wala masiyadong tulong sa kanila, pero pagdating kay Archie, sobrang dependent ako. Siguro ay ‘yon ang isa sa pinakamahirap na parte ng buhay ko. Nakadepende ako palagi sa kaniya. Sa tuwing umuuwi ako nang mag-isa ay wala namang kaso sa akin dahil alam ko na pagdating sa apartment ay naroon si Archie. Kapag naman papasok akong mag-isa ay ayos lang din dahil alam ko naman sa sarili na nasa campus din si Archie. It’s him, and all him. Nang makauwi na ako ay tumambay lang ako sa apartment at nagpahinga, nanonood ng k-drama para i-distract ang sarili at hindi mag-isip ng kung ano-ano. Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa muling makauwi si Mauve galing sa shift niya. Alas-sais ng hapon ang shift niya hanggang alas-diyes pero minsan ay inaabot pa siya ng alas-dose kapag maraming customer o natagalan ang papalit sa kaniya na full-timer. Pagdating ni Mauve ay pagod din siya mula sa maghapon. Naaawa na nga ako sa kaniya dahil busy siya sa pag-aaral pero sinisikap niya pa ring magtrabaho. Hindi niya talaga inatrasan ang part-timing simula noong nanghingi siya ng tulong sa akin at pinasok ko siya roon. Dahil sa pagod niya ay dumiretso na siya sa kwarto at natulog. Ako naman ay nanatili sa sala. Hininto ko na ang panonood at humiga sa sofa. Pinakatitigan ko ang ceiling. Hindi ako makatulog at sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay kung ano-ano ang naiisip ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga pasang nakita ko sa braso ni Dabin lalo na ang mga palinyang sugat sa kaniyang palapulsuhan. Sa tuwing naaalala ko ‘yon ay bumibilis ang t***k ng puso ko at gumagapang ang takot sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang magulo kong buhok. Tumayo ako at nagtungo sa pinto. Magpapahangin na lang muna ako sa rooftop at baka sakaling umayos ang pakiramdam ko. Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumukas din ang pinto ng apartment sa tapat at bumungad sa akin si Archie. Nagulat siya nang makita ako bago napakunot ang noo. Tiningnan niya ang kabuuan ko bago napaiwas ng tingin. Nagtaka naman ako. Tiningnan ko ang suot ko at napasinghap nang makitang manipis ang suot kong pantulog na halos bumakat ang suot kong bra. Pasimple ko namang tinakpan ang sarili bago tumikhim. “S-Saan ang punta mo?” tanong ko. Inangat niya naman ang hawak na trash bag. Napatango na lang ako at hindi na alam ang sasabihin. Awkward! “Ikaw? Saan ka na naman pupunta?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Diyan lang sa taas. Hindi ako makatulog, eh,” tanging sagot ko. “Bakit?” “Wala naman,” sagot ko ulit at pilit na ngumiti sa kaniya. Pinagmasdan niya ako bago napabuntong-hininga na lamang. Hindi na siya nagsalita at bumaba na para itapon ang dala niyang trash bag. Ako naman ay nanatili sa labas ng pinto namin at sinundan siya ng tingin. Napangiti ako. Kahit pagtatapon niya ng basura ay attractive para sa akin. Ang gwapo niya kasi. Pero mas kinikilig talaga ako sa height niya. Bagay na bagay sa height ko. Napailing na lang ako sa sarili at dumiretso sa rooftop. Napabuntong-hininga ako at umupo sa isang mahabang upuan. Tumingala ako sa malawak na kalangitan. Punong-puno ito ng mga bituin at mula rito sa rooftop ay tanaw na tanaw ang buong lungsod at ang mga ilaw mula sa mga kabahayan at iba’t-ibang establisyemento. The view is really great, and it was a perfect moment to rest, to just do nothing, to just stare at the stars and wish that one day, all of the things I have been wishing for will come true. The cold breeze of the wind immediately pressed against my skin. Napayakap ako sa sarili at napapikit, dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Kahit papaano ay kumalma ako roon. Ilang saglit pa ay may biglang umupo sa tabi ko. Nilingon ko si Archie na nakatutok ang mga mata sa malawak na tanawin. Nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya. Kahit ilang taon ko na siyang kasama at halos kabisado ko na ang bawat hulma ng mukha niya ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kagwapuhan niya. Hindi nakakapagtaka na maraming babaeng nagpapapansin sa kaniya sa campus kahit na ang sungit niya. Masungit at snob siyang tingnan. Malalim ang mga mata at malalim din kung tumingin, ‘yon bang nakakalunod. Kahit siguro hindi ko siya kilala ay magiging crush ko pa rin siya sa unang tingin. Saka lang ako natauhan nang lingunin niya ako dahil kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Agad akong napaiwas ng tingin at nagkunwaring nakatingin sa mga bituin. Siya naman ngayon ang nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya pero sinubukan kong huwag iyong pansinin. Ginagantihan yata ako ng lokong ‘to. Ilang sandali pa kaming tahimik hanggang sa magsalita siya. “Kumusta ang araw mo? Hindi ka sumabay sa akin kanina…” “Ah, nauna na ako,” maikling sagot ko. Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang pinag-aaralan ako. “May problema ba? You can tell me,” malambing ang boses na sabi niya. His voice somehow comforted me. Napalunok ako at umiling-iling. Sa hindi malamang dahilan ay muling bumilis ang t***k ng puso ko, hindi mapakali. Nag-aalangan ako kung sasabihin ko pa ba iyon sa kaniya o huwag na lang. “Si Dabin…” Napahinto ako sa gitna ng pagsasalita habang nakatingin sa kaniya. Nag-iba ang tingin niya at parang mas naging interesado bigla nang marinig ang pangalan ng babae. “Nakita ko siya kahapon. Marami siyang pasa sa braso… t-tapos… ” Hindi ko pa man nasasabi ay agad nang bumalandra sa isipan ko ang mga guhit sa pulsuhan ni Dabin na nakita ko at unti-unti ay bumalik sa alaala ko ang nangyari noon. Nakatingin lang sa akin si Archie at hinihintay ang sasabihin ko. “Tapos maraming palinyang sugat sa p-pulsuhan niya… n-natatakpan ng maraming bracelet,” nauutal na sabi ko. Parang isang bangungot na nag-flash sa isipan ko ang nasaksihan ko noong bata ako. Si Mama… nasa banyo at hawak ang kaniyang kamay. May hawak siyang kung anong bagay at tila lanta na ang kaniyang mga kamay. Putlang-putla siya at basang-basa ng tubig habang nakaupo sa sahig ng banyo. Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa aking isipan ang mga guhit sa kaniyang pulsuhan. Ang mga d*go. Naaalala ko. Sinugod si Mama sa hospital noong araw na iyon. “Ace,” pagtawag sa akin ni Archie habang hawak niya ang magkabilang balikat ko. Tila nandidilim ang paningin ko at nanghihina ako. I had a trauma from that experience na sa tuwing nakakakita ako ng d*go at tuwing nakakakita ng mga sugat sa pulsuhan ay bumabalik ang nangyari sa akin. Nahihirapan ako dahil malinaw na malinaw ang alaala sa utak ko. Hindi ko makalimutan. Takot na takot ako noong araw na ‘yon. Galit ako kay Mama at ayaw ko sa kaniya pero ‘yong takot ko noong sandaling ‘yon ay walang katumbas. Natauhan lang ako nang yakapin ako ni Archie. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at hinaplos ang buhok ko. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya. “Shh, it’s okay, everything’s okay. I’m here.” Mariin akong napapikit at pilit na pinapakalma ang sarili at inaalis sa isipan ang bagay na ‘yon. That traumatic experience became one of my greatest fear… na kahit na malayo na ako kay Mama ay palagi ko pa ring naiisip kung ayos lang ba siya, o kung kumusta na siya, kahit alam ko sa sarili ko na wala naman na siyang pakialam sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD