“Sa hirap ng buhay ngayon… parang ang tanging natitira na lang ay ang pagsuko.” Napatitig ako sa kawalan nang sabihin iyon ni Sienna. Narito kaming dalawa sa rooftop ng apartment building, umiinom ng banana milk habang nakaupo sa mahabang bangko at nakatitig sa kalawakan ng syudad. Nakita ko siyang umiiyak kanina sa isang eskinita malapit dito sa apartment at mag-isa. Namumugto ang mga mata niya kakaiyak, at pati iyong akin. Umiyak din kasi ako. Hindi ko mapigilan. Natawa ako sa loob-loob ko para sa sarili ko. Masiyado akong malambot pagdating sa mga kaibigan ko, pagdating sa mga taong malapit sa akin, lalo na kina Sienna dahil parang kapatid ko na sila. Wala rin akong pamilya kaya sila na ang tinuturing kong pamilya. Wala na akong pakialam kung hindi man ganoon ang turing nila sa