Chapter 15 - Sketch

1896 Words

MAAGA akong gumising kinaumagahan dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Maaga rin akong naghanda ng sarili para pumasok. Walang stocks sa kusina na maluluto para sa breakfast kaya naman nagdesisyon akong pumunta sa malapit na bilihan. Hindi ako marunong magluto pero ita-try ko. Balak ko lang naman na magprito ng itlog, tocino at rice. Medyo tanga akong magluto pero susubukan ko. Hindi kasi sanay umalis ang dalawa na walang breakfast, at saka gusto kong paglutuan si Sienna. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay agad na bumungad sa akin si Toshi, nakatayo sa labas at parang hindi mapakali. Agad niya akong nilingon nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ako naman ay nagtatakang tiningnan siya. “Oh, Toshi. Anong ginagawa mo diyan?” tanong ko. “Ace…” mahinang tawag niya at napabuntong-hininga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD