"Excuse me po, Miss Ace. Pinapatawag po kayo ni Sir Eros."
Saglit akong napatigil sa pagsasalita para lingunin ang babaeng assistant nang sabihin niya 'yon. Ngumiti ako sa kaniya bago tumango at sinabing sandali lang.
"C'est un plaisir de vous rencontrer, M. Fidel. Faites-moi savoir si vous avez déjà décidé du projet. Merci beaucoup." (It's a pleasure to meet you, Mr. Fidel. Let me know if you have already decided about the project. Thank you so much.) Tumayo ako mula sa pagkakaupo bago inabot ang aking kamay sa may katandaang lalaki para makipag-shake hands.
"Bien sûr, Mlle Sulliven. J'enverrai une réunion dans les semaines qui suivent. Envoyez mes salutations à Daisy." (Of course, Miss Sulliven. I will send a meeting in the following weeks. Send my regards to Daisy.) Nakangiti niyang tinanggap ang kamay ko at pagkatapos ay inabot sa kaniyang sekretarya ang hawak na folder at manual.
Tumango ako bago muling ngumiti. "Je vais sûrement le faire. Merci Monsieur." (I will surely do that. Thank you, Sir.)
Hinatid sila ng assistant hanggang sa tuluyan silang makalabas ng café. Agad na sinalubong ang matanda ng kaniyang bodyguard hanggang sa tuluyan itong makasakay sa isang magarang kotse.
Kinuha ko ang natira kong kape na nasa mesa bago hinarap ang assistant na kababalik lang. "Bakit daw ako pinapatawag?" tanong ko at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman sa akin ang assistant at secretary ni Eros.
"Wala pong sinabi si Sir Eros. Naroon po siya sa office niya."
Tumango ako bago inabot sa kaniya ang latte na malamig na. "Pakidalhan kami ng kape sa office. Salamat," sabi ko at dumiretso na sa opisina ni Eros. Agad naman itong sumunod sa sinabi ko.
Umakyat ako sa pangalawang palapag ng art gallery café kung saan naka-display ang mas marami pang artworks. The whole place is too immense. Both of the interior and exterior designs are well-created, soothing in the eyes, a typical classic French elegance merged with a rustic and country aesthetic, creating a balance between beauty and comfort. It feels lived-in and welcoming, but still impeccable.
Of course, this is one of the best and rising art gallery in France. It has to be.
Inayos ko ang long sleeve ng suot kong blazer bago napahawak sa batok kong bahagyang nangangalay. Medyo nakaramdam na ako ng pagod dahil hapon na rin at kaninang umaga pa maraming customers ang café. Marami ring visitors kaya naman marami talaga ang inaasikaso namin ngayon. Mabuti na lang at mas tahimik dito sa taas at medyo kaunti lang ang mga tao kumpara sa baba kung saan naroon ang karamihan sa customers dahil naroon ang café. Pakiramdam ko ay mas nahihilo ako roon dahil panay French ang mga tao. Kung hindi nga lang marunong mag-Filipino ang ibang assistant dito, malamang matagal na akong tapos.
Nginitian at binati ko ang ilang mga customers at visitors na nadaraanan kong busy sa pagtingin sa mga naka-display na artworks hanggang sa tuluyan akong makarating sa opisina ni Eros.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. Agad na sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng kwarto, probably his perfume. Naabutan ko siyang may binabasang kung ano habang kaharap ang ilang mga papel. Nag-angat siya ng tingin nang pumasok ako.
"Pinatawag mo raw ako?" I asked as I sat down on the swivel chair in front of him. I took a quick glance of his office, and slightly rolled my eyes when I saw the weird painting and the black charcoal wall. Talagang hindi niya man lang binago ang purong itim na wallpapers ng office na 'to? Sasabihan ko nga si Rianne na palitan ng rainbow. Masiyadong dark. Nakakaumay na.
"Yeah, I have something to tell you." Ibinaba niya ang hawak na folder bago umayos ng pagkakaupo.
"Urgent? Wait, bakit parang ang seryoso mo? Kakabahan na ba ako?" tanong ko habang prenteng nakaupo sa swivel chair.
Bahagya siyang ngumiwi habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay niya. Ilang segundo pa bago siya muling nagsalita. "Ready your things. I already booked a flight for you, tomorrow in the afternoon."
Napaayos ako ng upo at kunot-noo siyang tiningnan. "Flight? Saan ako pupunta? May investors na naman ba akong i-me-meet sa Madrid? Wala na akong baong Spanish! Puros French na nga ang mga tao rito—"
"No. You're going back to the Philippines."
Napatigil ako sa pagsasalita nang sabihin niya 'yon. Natahimik ako at naiwan ang tingin sa kaniya. I literally froze in front of him, trying to process what he just said.
Napalunok ako't nagpakawala ng mahinang tawa. "W-What did you say?" I asked, dumb-founded. Kunot-noo ko siyang tiningnan, hindi maitago ang kaguluhan dahil sa sinabi niya.
Mahina siyang bumuntong-hininga bago ngumiti sa akin. "Yes, Ace, you heard it right. You're going back to the Philippines, at ayos na rin ang flight mo. You just have to pack and ready your things. Pasasamahan kita kay Niel."
"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ako? Babalik ng Pilipinas? B-But why? Si Tita Daisy ba ang may sabi nito? Am I fired? Ayaw niya na ba ako sa kompanya? Eros—"
"Calm down, Ace." He reached for my hand and gently squeezed it. "It's for a project, okay?"
Mas lalo lang akong naguluhan dahil doon. Pakiramdam ko ay nawala ang pagod ko at nagising ang kaluluwa ko dahil sa mga sinabi niya.
For Pete's sake, I stayed here for five f*cking years, and now, he's telling me that I have to go back to the Philippines? Like it wasn't a big deal?
Wala pa man ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi iyon nakatulong para maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Eros. Pakiramdam ko rin ay bigla akong nahilo.
"Napag-usapan na namin 'to ni Tita Daisy. We will be having a new project. Magtatayo na rin ng art gallery ang L' Amour sa Pilipinas, and you will be the one who will manage the project, so, whether you like it or not, you have to go back there."
***
Inalis ko ang shades na suot ko nang tuluyan kaming makarating sa airport at inayos ang suot kong green blazer na napapalooban ng itim na tube top, paired with a black slacks and a high rose gold pumps. Nakatali ang kulay tsokolate kong buhok. I also wore the hoop earrings that Tita Daisy gave me.
Bumuntong-hininga ako bago nilingon si Eros na nasa may likod ko. Kasama namin si Niel, ang isa sa mga bodyguard ni Tita Daisy, na sasama rin sa akin pabalik ng bansa.
Eros smiled at me, bago marahang ginulo ang buhok ko. Mas napasimangot ako nang mahina siyang tumawa.
"Parang ang saya-saya mo yatang aalis ako?" masungit na tanong ko.
"Hindi kaya. Nalulungkot ako," aniya bago ngumiwi.
"Hindi ako na-inform na pagngiti na pala ang symbolismo ngayon ng pagkalungkot."
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Niel sa sinabi ko, at ganoon din si Eros.
"Mon dieu, ce connard ici," mahinang bulong ko habang inaayos ang shades na muli kong sinuot. (Gosh, this asshole right here.)
"I heard that," saad ni Eros bago ako tinaasan ng kilay at inismiran. "And I can understand what you said."
"Of course, you can. You taught me French." I rolled my eyes at him. Hindi niya naman nakita dahil suot ko na ang shades.
Muli akong bumuntong-hininga. "Are you sure you're not going with us?" tanong ko, hindi maitago ang lungkot at takot sa boses. Pakiramdam ko ay isa akong bata na iiwan ng magulang niya sa eskwelahan sa unang araw ng klase. Para akong maliligaw anumang oras.
"Yeah. Susunod din agad ako. May mga kailangan lang akong tapusin dito." Muli siyang ngumiti sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango. "Mayroon ka na ring condo unit. Tita Daisy bought you one, somewhere around Manila. Alam na iyon ni Niel."
Muli akong tumango bago bumuntong-hininga. Magsasalita pa sana ako ngunit napatikom din ang bibig, hindi masabi ang nais sabihin. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi at napatungo.
"May sasabihin ka ba?" tanong niya, nag-aabang.
Umiling na lang ako bago maliit na ngumiti. Magtatanong pa sana siya nang umalingawngaw sa buong lugar ang boarding announcement mula sa speaker.
"Sige na, kailangan ko nang umalis. Balitaan mo ako sa mga ganap dito. Hindi pwedeng ma-outdated ako... unless Tita Daisy is really firing me out of the company." Muli akong sumimangot na ikinatawa niya.
"She won't do that. Sige na, baka mapag-iwanan ka pa ng eroplano," saad niya. "Take care. Call me once you arrive."
"Oo na, parang tinutulak mo na talaga ako palabas ng France, eh." Umirap akong muli bago hinatak na ang maleta ko. Sumunod na rin sa akin si Niel na may dala-dalang isa pang maleta, mukhang iyon ang mga gamit niya. Narinig kong kaya pala siya ang pinasama sa akin dahil kailangan din nitong bumalik ng Pilipinas. Family matter, as I heard.
Pagkatapos pa ng ilang paalala ni Eros ay saka na kami tuluyang nakaalis. Pasimple pa itong si Eros. Alam ko namang nag-aalala rin siya sa akin. We've been together here in France, for how many years already, at parehas din kaming hindi na nakabalik ng Pilipinas. I'm pretty sure he knows what I exactly feel right now.
Hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa pwesto ni Eros ay napatigil ako sa paglalakad. Saglit kong tinanggal ang suot kong shades at lumingon sa pwesto niya. Marami nang tao sa paligid, lalo na't paalis na ang eroplano.
Napangiti ako nang makitang naroon pa rin siya. Inilabas niya ang isang kamay na nakasuksok mula sa kaniyang bulsa para kumaway sa akin. Kumaway naman ako pabalik. Pagkatapos ay muli na akong tumalikod at naglakad palayo.
Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone na hawak ko. Nang tingnan ko 'yon ay nakita ko ang dalawang text mula sa kaniya.
This is the right time, Ace. I know you can do this. And we both knew that you can't just stay here. You still have to face them, your old home.
Take care. I'm going to miss you.
Napalunok ako nang mabasa iyon at nagsimulang gapangan ng takot. Wala na ring mapagsidlan ang lakas ng t***k ng puso ko, na hindi na naalis mula pa kahapon.
It's been five years. At sa muling pagbalik ko sa Pilipinas, hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.
I am not even ready to meet any of them, my old friends, my auntie, my mom...
Not even him.
The people I left five years ago.
Ni hindi ko nga alam kung kilala pa nila ako.
O kung naaalala pa nila ako.
O baka nabaon na rin sa limot ang pangalan ko.
I don't have an idea, really.
But one thing is for sure.
There's no way I could escape from this.