“Mauve…” pagtawag ko habang naglalakad kaming dalawa sa carpark at kumakain ng siomai. Nilingon ako ni Mauve at nagtatanong na tiningnan. Napatitig naman ako sa kaniya bago napailing na lamang. Bumalik ako sa pagkain. “Ah, wala pala,” usal ko. Nilunok niya ang kinakain at mahina akong hinampas. “Ano ‘yon?” Umiling lang ako at nagpa-cute sa kaniya. “Wala, wala. Kalimutan mo na.” Tiningnan niya ako at mahinang binunggo sa tagiliran. “Ano nga kasi? Isa… sasabihin mo o sasabihin mo?” “Wala nga, nakalimutan ko na,” sabi ko at umismid. Weird niya akong tiningnan at saka umiling-iling. “Hay, nako, Aestheria, kapag ‘yan ay kalokohan mo na hindi mo lang masabi, yari ka talaga. Isusumbong kita kay Archie at kina Jade.” Tumawa lang ako. “Hindi, ‘no. Nagbabagong-buhay na ako ngayon,” saa