Chapter 3 - Bar and Band

2229 Words
“Nasaan si Toshi? ‘Di ko pa nakikita ‘yong lokong ‘yon mula no’ng isang araw,” tanong ko sa kanila habang inaayos ko ang sintas ng sapatos ko. “Buhay pa ba ‘yon?” kuda ni Jade na ikinatawa namin. Nandito kami ngayon sa apartment pati sina Jade at Thalia. Si Mauve ay busy pa sa pagliligpit ng hand-outs at notebooks niya. Sobrang abala kasi siya sa pag-aaral dahil sabi niya ay hindi siya pwedeng bumagsak this year. Family matter as I know. “Miss ko na si Sienna,” biglang sabi ko at naupo sa upuang nasa labas ng apartment. Hinihintay pa naming mag-ayos si Mauve bago kami pupunta sa Bonifacio. May kotse naman si Thalia at ‘yon ang gagamitin namin. “Oh, ‘yan na pala si Toshi,” saad ni Jade at tinuro ang kwarto sa tapat namin, apartment nina Toshi at Archie. Nakita kong lumabas doon si Toshi na nakabihis na. Agad napataas ang kilay ko. “Oh, saan ka pupunta? Buhay ka pa pala?” Sarkastiko siyang tumawa at ginaya-gaya ako. Pagkatapos ay inayos ang suot niyang polo. “Ayos lang ba ‘tong suot ko? Alam ko namang gwapo ako kaya ‘wag n’yo na akong masiyadong purihin.” “Hindi kaya matakot ‘yong mga babae sa ‘yo doon?” pang-aasar ko. “Huwag ka na kayang sumama? Dito ka na lang, paki-diligan mga halaman namin dito para may saysay ka naman minsan.” “Salbahe ka talaga, Ace, ‘no?” pikong sabi niya sa akin at ginulo ang buhok ko. “Dati pa! Ngayon mo lang nalaman?” pang-aasar ko pa. “Nasaan na si Archie? Ang tagal naman. Sabi niya noong isang araw, mabuti raw at gumala ako dahil sawa na siya sa mukha kong makita araw-araw tapos ngayon sasama rin pala siya sa gala natin?” maingay na sabi ko habang si Thalia ay nasa loob ng apartment kausap si Mauve at si Jade naman ay busy sa cellphone niya sa gilid. “Pati nga ako, sawa na sa mukha mo. Araw-araw na lang kitang nakikita,” saad ni Toshi na sinapok ko rin. ‘Yan, diyan magaling ang dalawa, ang pagtulungan ako. “Mas sawa na ako sa mukha n’yo, Toshi. Nakakaumay na. Parang gusto ko na nga ng mga bagong kaibigan.” Tuloy lang kami sa pag-aasaran ni Toshi hanggang sa lumabas na rin si Mauve nang matapos na siya sa pag-aayos. Kumpleto kami ngayon maliban kay Sienna, roommate rin namin ni Mauve. Nasa bakasyon pa si Sienna sa probinsiya nila at sa Lunes pa raw ang uwi. Delay raw kasi ang byahe niya pabalik ng Maynila. Isang linggo na tuloy siyang ‘di nakakapasok mula noong first day of class. Pare-parehas kaming third year college at iisang university lang ang pinapasukan. Magkakasama sa Arki sina Jade, Sienna at Toshi. Kami naman ni Archie ay sa Engineering. Si Thalia, business student, future heiress ng kompanya nila. Sobrang yaman nila kaya sobra din ang pressure sa kaniya ng parents niya. Bago pa kami makaalis ay dumating ‘yong mga blockmates namin sa Engineering, tropa nina Archie at Toshi, pero hindi namin masiyadong ka-close. Doon na sumabay ang dalawa kaya naman nauna na sila sa amin. “Pucha, sa wakas, walang maingay,” sabi ni Jade nang pumwesto siya sa shotgun seat. Si Thalia ang magda-drive at nasa likod naman kami ni Mauve. “Ingay ng bunganga ni Toshi. Nabibingi na ako,” pag-iingay ko kaya ako naman ang tiningnan nila. “Sabi ko nga mananahimik na ako,” sabi ko na lang at nilabas ang cellphone ko para maglaro ng Criminal Case. Inabot kami nang ilang minuto bago makarating sa Boni kung nasaan ang magagaling naming mga kaibigan. Pagpasok pa lang sa resto bar ay agad nang sumalubong sa amin ang malakas na tugtog at ang maraming tao. Maingay, makulay ang mga ilaw at halo-halo na ang iba’t-ibang amoy. Amoy alak. “Saan sila Archie?” medyo may kalakasang tanong ni Jade para magkarinigan kami. “Ewan ko! Teka, text ko si Toshi.” Tumabi muna ako sa gilid at inilabas ang cellphone para mag-message kay Toshi kung nasaan sila. Si Mauve naman ay mukhang hinatak na nina Jade at Thalia sa kung saan para kumuha ng drinks at maghanap ng table. Habang nagta-type ako ng text sa cellphone ko ay napansin ko ang pagpunta ng isang grupo sa stage sa may harapan kaya napatigil ako sa pagta-type at napatingin sa babaeng nagsalita sa harap ng mic. Nahihiya itong ngumiti bago maliit na nag-bow. “H-Hello, good evening. This is Blizzard band and I am Dabin, the main vocalist. I hope you’ll like our first song. Cheers, guys! I hope you enjoy.” Her voice sounds so angelic. Her face features were soft and charming, mukhang mahinhin. Maputi ang balat, may kasingkitan ang mga mata at blonde ang nakapusod nitong buhok. Mukhang aliw na aliw rin ang mga tao sa banda nila dahil ang atensyon ng halos lahat ay nasa kanila na. Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko nang tumunog ito, senyales na nag-reply na si Toshi. Toshi: Nasa may harapan lang kami, bandang gilid, malapit sa stage. Saan ka ba? Me: Nakita na kita. Sa may entrance ako. Pinatay ko na ang cellphone ko at hinanap ang pwesto nila. Agad ko naman silang nakita nang nagtaas ng kamay si Toshi at kumaway sa akin. “Oh, nauna na agad kayo?” nakangiwing tanong ko nang makita ang mga alak sa table nila at ‘yong iba ay ubos at bawas na. “Uy, Ace! May assignment ka na ba? Pakopya naman,” bungad sa akin ng isang blockmate namin. Binati rin ako ng iba sa kanila. Hindi ko naman sila super close dahil itong dalawa lang talaga ang kaibigan ko, sina Archie at Toshi. “Ayos, Jacob, ah. Ako pa talaga kokopyahan mo? Kita mong nakikikopya lang ako diyan kay Archie,” sagot ko at naupo sa isang upuan. “’Yon na nga. ‘Yong pinakopya sa ‘yo ni Archie, pakopya rin ako. Para kasing ‘di kaibigan ‘tong si Archie, eh,” reklamo nito at tiningnan si Archie na ngayon ay busy sa cellphone niya. “Ako rin, pakopya. Last na talaga, promise,” singit ng isa pa nilang kaibigan. “Oo na, oo na, naaawa na ako sa inyo, eh. Sa susunod, mag-aral na kayo, ah,” sabi ko at tinuro sila. Iyon lang talaga ang ambag ko, ibahagi ang mga sagot ni Archie. “Gayahin n’yo ako nagtitino.” “Hindi ako naniniwala. Last time nakita kitang nagka-cutting,” singit ni Toshi na agad kong sinapok. “Hindi ako ‘yon! Baka kamukha ko lang!” depensa ko dahil kasama namin si Archie. Napalingon ito sa amin nang marinig ang sinabi ni Toshi at binitawan ang cellphone niya. Pinanlakihan ko ng mata si Toshi na napatikom ng bibig. “Sige, puntahan ko muna sila Mauve. Enjoy kayo diyan!” diretsong sabi ko at agad nang umalis sa table nila. “Pucha talaga ‘tong si Toshi. Pahamak kahit kailan. Yari ‘yan sa ‘kin mamaya. Ipagkakalat ko na crush niya si Sienna since high school,” bulong ko habang hinahanap sina Jade, Mauve, at Thalia. Nakita ko rin naman sila agad, halos kalapit lang sa table nila Archie. “Oh, ano? May pogi na ba?” rinig kong sabi ni Jade. Si Mauve naman ay busy na agad sa mga alak. Naka-order na agad sila ng ilang bucket ng beer. “Kararating lang natin, girl. Ikalma mo,” pang-aasar ni Thalia habang nakangisi at palinga-linga sa paligid. “Gosh, natatakot na akong mag-bar ngayon, baka sumulpot si Kuya. That guy is freaking scary.” Nagulat kami nang masamid si Mauve sa iniinom niya. Nag-agaw buhay ang gaga pero ‘di na namin siya pinansin. May naalala siguro. Nagsimula na kaming uminom. Ngayon lang naman kami makakapag-chill dahil kasisimula pa lang ng klase kaya hindi pa kami masiyadong tambak sa gawain. Pero sila lang naman ang nagseseryoso sa pag-aaral. Kahit naman busy sa academics, ako ‘yong pa-chill-chill lang at walang pakialam. Pero nangako ako sa sarili ko na magtitino na ako ngayong third year. Ang hirap-hirap lang kasi talagang mag-aral kung hindi mo naman gusto ang inaaral mo at wala kang interes! Gusto kong tuktukan ang sarili. Sa tuwing iniisip ko ang sitwasyon ko ngayon, para gusto ko na lang talagang magrebelde at tumakas. “Masaya ba mag-cutting?” “Ay, pusang gala.” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang may magsalita sa kabilang gilid ko. Si Archie! “Ano ba? Nakakagulat ka naman!” Tinawanan niya ako bago siya naupo sa tabi ko at kumuha ng isang bote. Hindi naman siya pinansin nila Nathalia dahil busy sila sa pag-uusap. May nakita na yatang pogi sa kabilang table. Nilingon ko ang table nila Archie at nakitang naroon pa naman ang mga kaibigan nila pero ‘yong iba ay nasa ibang mga table na. Nakita ko si Toshi na palinga-linga sa paligid, hinahanap siguro ang table namin. Mayamaya pa ay nakita niya rin kami kaya lumapit din siya sa amin at nakiupo. “Pucha, nang-iiwan,” reklamo niya kay Archie. “Nandito ka na naman, Toshi, ang ingay na naman ng bunganga mo,” pag-iingay ko. “Manahimik ka nga, Ace. Ingay mo na naman,” banat niya. “May tanong ako sa inyo.” “Ano na naman?” pikong sabi ni Archie. “Bakit tinatayo ‘yong building?” maingay na sabi ni Toshi habang nakatingin sa amin. “Kapag iyan, walang kwenta, sasapukin talaga kita. Bakit?” Ako na ang sumagot. “Kasi ang pangit naman kapag nakahiga.” “Tangina ka talaga. Bakit ba kinakausap pa kita,” inis na sabi ko habang tumatawa siya nang malakas. Hindi ko maintindihan kung bakit ba naging kaibigan ko ‘tong si Toshi. Sa kaniya ko yata natutunang makipagbardagulan. Simula noong high school ay magkaibigan na kami at magkasangga sa lahat ng bagay. Sila-sila lang din talaga ang maituturing kong mga kaibigan. “Tigilan mo na ako, Toshi. Sumasakit ulo ko sa ‘yo,” pang-aasar ko at kumuha pa ng isang bote ng beer. “Tama na, Ace. Ang dami mo nang iniinom,” saway ni Archie at binawi ang kinuha kong bote. “Apat pa lang naman. Saka wala namang pasok!” Kinuha ko ‘yon mula sa kaniya pero inangat niya kaya naman hindi ko naabot. Binawi ko ‘yon hanggang sa makuha ko. Para inisin siya, binuksan ko ‘yong bote at ininuman. Sinadya ko pang idikit ang labi ko sa inuman ng bote at nilahad ‘yon sa kaniya. Siyempre in-expect ko na hindi niya na babawiin kasi nga ininuman ko na pero napaawang ang labi ko nang kunin niya ‘yon at inuman habang nakatingin pa sa akin at nang-aasar ang ngisi. “Thanks,” inosenteng sabi niya at inangat ang bote. Hindi makapaniwalang napailing ako. “Nakakainis na mga tao ngayon,” pagpaparinig ni Toshi sa amin at umalis nang may mapang-asar na ngisi sa labi niya. Habang nakatingin kami ni Archie sa isa’t isa ay biglang may nagsalita sa harap kung nasaan ‘yong banda kaya naagaw ang atensyon namin at parehas na napalingon doon. “Nagustuhan n’yo ba?” tanong no’ng babae kanina, ‘yong vocalist, at mahinang tumawa. “Maraming salamat! For the next song naman… please play the music!” At agad na tumugtog ang isang kanta. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Archie. Nakita ko na lang na iniinuman niya na ang boteng ininuman ko na kanina. Diretso ang tingin niya sa babaeng nasa stage at kasalukuyang kumakanta. Paborito ni Archie ang kantang tinutugtog nila ngayon. Napalingon ako sa babae. Maganda ang boses niya, malambing at masarap sa tenga. Napakaamo rin ng mukha nito. Ilang saglit ang lumipas at natahimik kami. Kumuha na lang din ako ng panibagong bote. Hindi na ako pinansin ni Archie dahil tutok na ang atensyon niya sa babaeng kumakanta. “Ganda niya, ‘no?” naiusal ko matapos ang ilang saglit habang parehas kaming nakatingin sa babae. Ngumiti lang si Archie habang nakatingin pa rin do’n sa babae. “Maganda ang boses,” tanging sabi niya na hindi ako nilingon. Napangiti na lang ako at hindi na sumagot. Saktong nagsalita si Thalia kaya nilingon ko sila. Pare-parehas silang nakatingin doon sa banda. “Kita mo ‘yong babae? ‘Yong vocalist? Her name is Dabin. Taga-Communication Arts. I kinda know her since second year. It’s good to know na bumalik na pala siya sa band nila.” “Bakit? Nag-quit ba siya?” tanong ni Mauve. Tumango si Thalia sa amin. “Yup, I just heard. Hindi ko lang alam kung bakit.” Dahil malapit ang table namin sa mini stage ay nagawi ang tingin sa ‘min n’ong babae habang kumakanta siya. Saglit na nagtama ang paningin namin pero agad na lumipat ang tingin niya sa bandang tabi ko kung saan nakaupo si Archie. When I looked at Archie, he was also looking at the girl. And I think, it was the first time in a long time since I saw him looking at someone like that. There was a realization that suddenly hit me. That night, I started hating going to bars and listening to that band… that I used to admire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD