“Aestheria!” Agad ang paglingon ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nabitawan ko ang hawak kong box ng mga canned goods at dali-dali akong lumabas sa stock room. Naabutan ko roon ang manager namin na ipinagtaka ko. Kailan pa siya nakarating dito? Parang saglit pa lang naman ako sa stock room, ah. Pero base sa ayos nito ay mukhang kararating niya lang dito. “Yes, Sir?” tanong ko at lumapit sa kaniya na nakatayo sa may counter. Naiiling niya akong tiningnan bago nilipat ang tingin niya sa isang ale na nasa kaniyang tabi. Tiningnan ko rin ito, isang matandang babae na may dalang bag sa kaniyang balikat. Puti na ang buhok nito at hindi na tuwid ang pagkakatayo. Maliit akong nag-bow sa kaniya at muling tiningnan ang manager namin dito sa convenience store. “Ma’am, siya po b