Matapos ang kasiyahan, sabay sabay na nagpunta si Reann at Prinsipe Cedie kasama ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna ng Alora at Arconia. Nasa unahan ang mga Hari at Reyna habang nakasunod naman si Rrann at Prinsipe Cedie sa kanila. Tahimik lang silang dalawa habang nag-uusap at nagtatawanan ang apat na nasa unahan. Hindi mapigilan ni Reann ang hindi mapatingin kay Prinsipe Cedie. Hindi maikakailang isa siyang Prinsipe dahip sa kanyang kasuotan, sa kanyang tindig at sa kanyang nakakahalinang itsura niya. Hindi nagtagal, tumigil silang lahat sa isang malaking pintuan. Binuksan ito ng isang tagasilbi at pumasok sa loob. Pagpasok nila, tumambad sa mga mata ni Reann ang isang napakalawak na silid. May isang bilog na mesa sa gitna na may anim na upuang gawa sa sa isang matibay na kahoy. Mar