Chapter 15 VISTA… PANAY LANG ang tingin ko kay Uncle habang kumakain kami. “Say it,” ani Uncle makalipas ang ilang minutong pananahimik at pagkain nito. Nararamdaman niya na nakatingin ako sa kanya? “Uncle my six sense ka?” tanong ko sa kanya. Ibinaba niya ang hawak niyang kubyertos at tinignan ako, “ano na naman ang natutunan mo sa University?” Tinitignan niya ako na parang bang naghihintay siya ng sasabihin ko. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya. “Uncle may naging jowa ka ba?” hindi ko alam bakit ‘yon ang sinabi ko. “Wala,” sagot lang niya at kumain na ulit. “So wala kang naging FUBU Uncle?” Ibinaba na naman niya ang kubyertos na hawak niya, pinagkunutan niya ako ng noo. “May mga damit akong FUBU ang tatak, aanuhin mo ba?” Natigilan ako at nakatitig sa kanya, for the firs