Chapter 24 Vista… “BASTA SABIHIN mo kay Mama, sa isang buwan na ako magpapadala ng malaki. Nagamit ko kasi ang naitabi ko sanang ipapadala ko sa inyo,” boses ni Waylon ang naririnig ko ang aga-aga pa lang. Pababa na ako nang hagdan ng marinig ko ang boses ni Waylon. It was Sunday kaya wala kaming pasok, late na ako nagising. Mula nang may mangyari sa amin ni Waylon napapasarap na ang tulog. Iba pala kapag may katabing matulog, may yayakap sa ‘yo kapag ayaw mong matulog. Waylon is very caring, para na rin kaming nasa isang relasyon. Tulad ng mga basa ko noon na mga romance novel. Waylon is acting like a boyfriend to me since that night. Tapos napakamaalaga pa niya, sabi kasi nito may sakit ako. Na hindi ko naman maramdaman dahil wala nga akong pakiramdam. “Hindi ako pwedeng umuwi, w