Chapter 19 VISTA… HINDI PA kami nagkakausap ni Waylon mula nang halikan niya ako. Nagkikita kami dahil nasa iisang bahay naman kaming dalawa nakatira. Pero hindi niya ako kinakausap, kapag lalapit ako sa kanya lalayo siya. At naiinis na ako sa inaasta niya sa totoo lang, parang siya ang babae sa aming dalawa. I might be naïve in some point of my life but I never be such an idiot b***h roaming around this house. “Waylon!” inis na tawag ko na sa kanya nang lampasan niya ako. Nilingon naman niya ako, may hawak siyang libro at papunta na siya sa sala. Kakatapos lang namin na kumain ng hapunan, at habang kumakain siya nagbabasa lang naman siya ng libro. Obviously he’s avoiding me by reading his notes and books. Pangalawang araw na niyang ginagawa sa akin ito. “May problem aba Vista?” tano