Chapter 20 WAYLON… PARANG GUSTO ko nang bawiin ang sinabi ko kay Vista. Iyong pakakasalan ko siya pagdating ng araw, kapag okay na lahat sa akin. Bakit? “Please Vista, naka-on ang TV doon mo itutok ang mga mata mo.” pang-ilang utos ko na sa kanya iyan. Paano ba naman kasi, mula nang magising siya sa pagkakahimatay niya noong isang araw parang naka-glue na ang mga mata niya sa akin. Hindi na niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin simula nang araw na iyon. Nawawala lang kapag nasa banyo siya, nasa classroom siya at sa mga oras na alam kong natutulog siya. “Bakit ang gwapo mo Waylon?” tanong niya sa akin. Mariin na lang akong napapikit, ilang beses ko na rin naririnig iyan sa kanya. Oo alam kong gwapo ako, pero parang gusto ko nang ipanganak ulit na pangit. Dati proud ako na gwapo