Prologue
MALAKAS ang ulan sa labas ng bahay ng mga Hidalgo, malamig ang panahon. Masarap ang magbabad sa higaan o magpagulong-gulong dito habang balot na balot ng makapal na kumot upang magpainit ng katawan.
Pero sa mga oras na ito hindi kailangan ng makapal na kumot ng dalawang nilalang na nagtatampisaw sa init ng kani-kanilang katawan.
“Mali ito, Rodolfo.” Hinihingal na bulong ni Francesca sa kaniyang kapatid.
“Kailan naging mali ang pagmamahal, Francesca?” puno ng pagsusumamo at pagmamahal na bulalas ni Rodolfo.
Matagal nang itinatanggi ng dalawa ang nararamdaman para sa isa’t isa. Dala ng kahihiyan na kaakibat ng kanilang gagawing kasalanan.
Magkapatid ang dalawa, paano bang ipapaliwanag ang lahat. Nagsimula lang naman ang lahat ng ito nang magsimula na silang magdalaga at magbinata. Na noong una, para sa kanila ay pagmamahal lamang bilang magkapatid ang kanilang nararamdaman. Ngunit ng humantong silang parehas sa kolehiyo hindi na nila maitatanggi na mahal nila ang isa’t isa hindi bilang magkapatid kung hindi isang babae at isang lalaki na maaring mag-ibigan.
Ngunit hindi nila maaring ibigay ang hilig ng kanilang mga puso. Hindi sila maaring magpadala sa bugso ng kanilang damdamin. Magkapatid sila, iisa ang Nanay at Tatay nilang dalawa.
“Francesca, ikaw lang ang iibigan ko.” Madamdaming bulong ni Rodolfo sa kapatid.
Mahigpit na yakap ang ibinigay naman dito ni Francesca, magkayakap sila habang nakahiga sa kama ni Francesca. Walang nakakaalam na magkasama ang dalawa, ngunit kahit makita ang mga ito walang kahit na sinong maghihinala na mayroong ginagawang himala ang dalawa. Dala na malapit ang dalawa mula pa pagkabata, na talagang ginagawa na nilang magkapatid noon pa man ang matulog na magkatabi.
“Natatakot ako Rodolfo,” bulong ni Francesca sa kapatid.
Si Rodolfo ang nakatatandang anak ng mag-asawang Herminia at Domingo Hidalgo, samantalang pangalawa naman si Francesca at bunso naman ay si Frederico. Kilala ang mga Hidalgo bilang mga politiko sa kanilang bayan, mataas ang pangarap ng ama ng tahanan na isa sa mga anak nito o maging mismong si Domingo Hidalgo ay magiging Presidente ng Pilipinas.
Ito ang dahilan ng takot na nararamdaman ni Francesca, malaking kahihiyan sa pamilya nila kung malalaman na mayroong relasyon ang dalawang magkapatid.
“Narito lang ako Francesca, handa kong ipaglaban ang pag-iibigan nating dalawa.”
Naglapat ang mga labi ng dalawa, walang inhibitasyon na nararamdaman ang bawat isa. Ipinaramdam ng dalawa kung gaano nila kamahal ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-iisa nang kanilang katawan na hindi lamang nila ito ginawa ngayon. Maraming beses na nilang inangkin ang bawat isa, ipinaramdam kung gaano nila kamahal ang bawat isa sa isang bawal na pagtatalik ng kanilang mga katawan. Isang bawal na pagmamahalan na walang ibang makaiintindi sa kanila kung hindi sila lamang dalawa.
“Anong ibig sabihin nito?!” dumadagundong na sigaw ni Domingo.
Kinaumagahan, nabungaran ng mag-asawang Hidalgo ang magkapatid na si Rodolfo at Francesca parehas na walang saplot habang magkayakap na natutulog sa loob ng silid ni Francesca. Sa nangyari, pinaghiwalay ang dalawa, ipinakasal si Rodolfo sa anak ng isang ka-alyansa ng ama nito sa politika samantalang ipinatapon sa ibang bansa si Francesca ng malaman ng mga magulang nila na nagdadalang-tao na ang dalaga. Sinamahan ito ng nakababatang kapatid na si Frederico hanggang sa manganak ito. Masaklap na kapalaran ang inabot ni Francesca, sa buong panahon na siya’y nagdadalang tao ni minsan hindi siya dinalaw ng mga magulang. Hanggang sa panganganak nito ay nakatago lamang ito at hindi man lang dinala sa ospital upang doon manganak. Nahirapan ng husto si Francesca sa kanilang pangangak na tanging ang bunso nitong kapatid ang katulong niya sa panganganak.
Wala namang kahit na anong nalalaman ang binatilyo sa pagpapaanak. Labing tatlong gulang pa lamang noon si Frederico. Napakabata ngunit malaking responsabilidad na ang nakaatang sa balikat niya. Ang tulungan ang kaniyang nakatatandang kapatid sa panganganak.
Isang babaeng sanggol ang ipinanganak ni Francesca, ang kanilang angel na pinangalanan niyang…
“Samena Amora, my secret love. Ingatan mo siya Frederico, hindi man siya lalaki sa aking pangangalaga. Nais kong malaman niya na mahal na mahal ko siya, na nabuo siya sa pagmamahalan namin ng kaniyang ama.” Umiiyak si Francesca habang buhat-buhat ang kapapanganak na sanggol.
Matapos nitong sabihin ang huling bilin sa kapatid at mailagak sa bisig ni Frederico ang anak, tuluyan ng binawian ng buhay si Francesca.
Napansin naman ni Frederico na may kakaiba sa kaniyang pamangkin. Hindi ito umiiyak, o ni hindi man lang ito nagpakita na nagugutom ito, ngunit kung ibibigay niya ang bote ng gatas sa sanggol ay susu naman ito nang walang tigil. Maging ang pagdumi o pag-ihi ay hindi ginawa ng sanggol sa loob ng dalawang araw na alaga niya ito habang inaasikaso ang bangkay ng kaniyang Ate Francesca. Nalaman na lang niyang may kakaibang karamdaman ang bata ng magkulay lila na ito at kinailangan niyang dalhin sa ospital.
May CIPA ang bata, o Congenital insensitivity to pain with anhidrosis. Hindi ito nakakaramdam ng sakit, gutom, o maging ang pagpapawis man lang.
“Aalagaan kita Samena, mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko. Para sa Ate Francesca ko, aalagaan kitang mabuti,” kausap niya sa bata na tahimik na natutulog kahit na kung ano-ano ang nakatusok dito.
Lahat ito dinala ni Frederico na mag-isa na walang tulong mula sa kanilang pamilya. Pinapadalhan lamang siya ng pera ng mga magulang para sa pagtustus sa kanila ng pamangkin. Samantalang si Rodolfo naman, umabot sa kaniya na nasawi ang mag-ina niya. Na labis niyang dinamdam, iginugol na lamang niya ang buong buhay niya sa pagsisilbi sa mga nasasakupan niya bilang isang politiko.