One

1086 Words
Chapter: One VISTA… “UNCLE, KAILAN mo ba ako papayagan na lumabas ng bahay?” tanong ko. Bata pa lang ako iyan na ang paulit-ulit kong tinatanong sa Uncle ko. Hindi ako nagsasawang itanong sa kanya iyan, hangga’t hindi ko naririnig ang gusto kong sagot. Nilingon ko ang labas ng bintana namin, umuulan sa labas. Pero kahit minsan sa loob ng labing pitong taong buhay ko hindi ko pa naranasan na masayaran ng tubig ulan. Ano kaya ang pakiramdam ng maligo sa ulan? Katulad lang din kaya ng pagligo ko sa shower? Hindi lang iyon, ano kaya ang pakiramdam ng masikatan ng araw? Sa mga nabasa ko masakit ang ma-sun burn, pero nakakatawa. Ano nga ba ang pakiramdam ng masakit o masaktan? “Kapag alam mo nang alagaan ang sarili mo,” sagot ng Uncle ko. Si Uncle lang ang kasama ko sa buhay, hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang ko. Sa tuwing itatanong ko sa kanya kung nasaan ang mga magulang ko, ang sagot lang ni Uncle ay nasa malayo. Hindi na ako nagtatanong ulit, kasi hindi naman ako interesado sa mga magulang ko. Kung gusto nila akong makita lalapitan nila ako, pupuntahan, bibisitahin para kumustahin. Pero mula ng magkaisip ako wala akong balita sa kanila, so bakit pa ako mag-aabala na alamin kung nasaan sila kung ako mismo hindi nila magawang kumustahin. Si Uncle lang ang palagi kong kasama, at siya lang ang importante sa akin. Para ko na siyang Tatay, hindi ako mabubuhay kung hindi dahil sa kanya. Kahit na hindi ako pumapasok sa paaralan alam ko naman ang mga bagay-bagay sa paligid ko. May computer kami, may internet, na malaya kong nagagamit. Wala akong teacher na pumupunta sa bahay para turuan ako, si Uncle lang ang nagtuturo sa akin ng lahat ng mga nalalaman ko. Kaming dalawa lang ang tao sa bahay na ito. Wala kami kahit na isang kasambahay man lang. Lahat ng gawaing bahay ay pinagtutulungan namin ni Uncle na gawin. Kahit sobrang busy ni Uncle sa trabaho niya hindi ito nawalan ng oras para sa akin. Nasabi ko ba sa inyo na wala akong maalala sa kabataan ko. Kasi most of the time tulog ako, as in tulog na parang si sleeping beauty. Nagigising naman ako pero sandali lang tapos patutulogin na naman nila ako. Iyon lang ang naaalala ko sa kabataan ko, iyong magigising ako para patulugin lang ulit. Ang alam ko lang din, may kasama kaming doctor noon dito sa bahay namin at isang nurse. Pero nang magising ako ng tuluyan kami na lang talaga ng Uncle ko ang magkasama. Nagising lang ako ng tuluyan ng mag-thirteen years old na ako. Iyong hinayaan na nila akong bumangon sa kama at tinuruan na akong mamuhay. Ipinaliwanag naman sa akin ni Uncle ang kalagayan ko. Na may sakit ako na hindi ako makakaramdam ng kahit na anong sakit. Na nagawa lang niya akong patulugin noon para mabuhay ako. Hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon kung bakit ako kailangan na patulugin. Pero nagtitiwala ako sa Uncle ko na hindi niya ako ipapahamak. Dahil ramdam ko na mahal ako ng Uncle ko, at isa kaming pamilya. Itinuturing niya akong anak, kahit bata pa naman ang Uncle ko. Thirty niya pa lang, masyado pang bata para maging Tatay ko sa edad kong seventeen. Okay basta ang alam ko lang wala akong nararamdaman na kahit na ano sa katawan ko kapag nasaktan ako. Hindi ako nagugutom, hindi ako nagpapawis, hindi ako natatae o hindi ako na-iihi. Kailangan kong mag-set ng reminder para sa mga bagay na iyon. Kailangan kong tignan ang buong katawan ko kung nagkasugat ba ako o nasaktan ba ang katawan ko na hindi ko alam. Ang astig ang sakit ko hindi ba? Feeling ko, ako si Darna or si Wonder Woman. Hindi masasaktan kahit na anong gawin sa akin. Pero hindi imortal ang katawan ko, dahil sa totoo lang para akong ticking bomb. Na ano mang oras sasabog at bigla na lang mamamatay. Kasi kung hindi ako mag-iingat, itong sakit ko ang papatay sa akin. Dahil bukod sa sinabi kong sakit ko may isa pa akong sakit. Hemophilia. Iyong hindi tumitigil basta ang pagdurugo kapag nasugatan ako. Sabi ni Uncle, worst combination ang sakit ko. Hindi ko na nga mararamdaman kung nasugatan ako, mauubusan pa ako ng dugo kapag nagkataon. So ending, dead’s ako. Tama na sa sakit-sakit ko, tanggap ko na ang kalagayan ko. Tanggap ko na rin na ganito na ako habang buhay. Kasi ang swerte ko, walang gamot ang mga sakit na meron ako. Kaya makamamatayan ko na ito. Balik na lang tao sa bored na ako sa buhay ko. Madalas pinagbabasa ako ng mga libro na binibili ni Uncle, para raw may alam ako. Ito ang pinagkakaabalahan ko sa araw-araw kong buhay simula nang magising ako. Pero kahit na ganito naiinip na ako sa buhay ko. Gusto ko nang lumabas ng bahay, makasalamuha ang mga tao sa paligid. Hindi iyong kami lang palagi ni Uncle ang nagkikita at palaging ang sulok-sulok ng bahay namin ang nakikita ko. Gusto ko ng new environment. Sa tingin ko naman kaya ko naman na ang sarili ko. Kaya ko nang alagaan ang sarili ko. “Vista, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ni Uncle. Ang tagal ko na pa lang nakatitig sa labas. Hindi ko na namalayan na kinakausap na pala ako ni Uncle. “Gusto ko na po talagang lumabas ng bahay na ‘to, Uncle.” Pagmamakaawa niya dito. Isinara nito ang hawak na libro, inalis ang salamin bago siya tumitig sa akin. “Isang taon, bigyan mo ako ng isang taon na palugit Vista. Kapag nag-eighteen ka na papayagan na kitang mag-aral sa college. Pero ipangako mo sa ‘kin na aalagaan mo ang sarili mo. Alam mo kung ano ang sakit mo, don’t make this Uncle of your’s be sick worried about your health,” bilin sa akin ni Uncle. Nagtatalon-talon ako papunta sa kanya sa sobrang saya ko. I kissed him at his cheek and hugged him tight. “Thank you Uncle,” I said while giggling. “Vista, tandaan mo ayokong masaktan ka. Ikaw na lang ang pamilya na mayroon ako,” bulong sa ‘kin ni Uncle. Pero dahil sa masaya ako hindi ko na pinansin ang bulong niya sa akin. Hindi na ako makapaghintay na makalabas ng bahay na ito. Gustong-gusto ko nang makakilala ng mga tao na pwede kong ituring na kaibigan.   ………………    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD