Chapter 3
VISTA…
NAKASUNOD lang ako sa lalaking basta na lang lumapit sa akin at sinabing siya ang magiging tour guide ko sa school na ito. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya, basta sumunod lang ako sa kanya nang sinabi nitong sumunod ako.
“This is the cafeteria,” anito at itinuro ang lugar.
Tinignan ko ang itinuro niya, alam ko naman na cafeteria ito. Nasaulo ko na ang mga lugar na ito dahil sa ibinigay sa akin na guide ni Uncle. Ganito ba talaga sa mga school, may guide kapag first day mong papasok sa school.
“May tanong ka pa?” baling nito sa akin.
Napakurap-kurap ako, “anong pangalan mo?” iyong ang lumabas sa bibig ko.
Tinanong niya ako, kung may tanong ako. Tama naman ako hindi ba? may tanong naman talaga ako. Pero naguluhan ako ng makita ko siyang kumunot ang noo.
“Waylon,” iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran na naman ako.
Nagsimula na naman siyang maglakad, ano nga ba ang gagawin ko. Saka sinabi niya sa akin na sumunod ako sa kanya kaya susunod ako sa kanya. Pero natigilan ako at bumangga sa likuran niya nang bigla ba naman itong huminto sa paglalakad.
“Teka, bakit nakasunod ka pa rin sa akin?” tanong niya.
Ang tigas ng likod niya, nahimas ko ang noo ko hindi naman masakit wala namang masakit. Pero alam ko kung sa ganitong sitwasyon kailangan kong umarte na nasaktan ako.
“s**t!” anito habang nakatingin sa akin.
Naguguluhan ko siyang tinignan, may problema ba sa akin? Nabangga lang naman ako sa likod niya. Bakit naman ganito siya makapag-react sa akin?
“May problema ba?” takang tanong ko na sa kanya.
Umiling ito sabay turo sa itaas sa may kisame, “aware ka naman siguro na hindi pwedeng pumasok ang babae sa banyo ng mga lalaki.” Anito na tinanguan ko naman bilang sagot. “Kung ganoon bakit nakasunod ka pa rin?” mangha na tanong niya.
Nasa may mismong pintuan na kasi kaming dalawa, actually nahaharangan na nga namin ang pintuan. May mga gustong pumasok sa loob at lumabas pero nahihirapan silang dumaan dahil sa aming dalawa.
“Hindi ba sinabi mo na sumunod lang ako sa ‘yo kahit saan ka pumunta? Kung hindi ako susunod sa ‘yo sa loob papaano na ang instruction mon a sumunod lang ako sa ‘yo sa kahit saan ka pupunta?”
Napanganga ito sabay iling, pero may itinuro na naman ito.
“May bench sa tabi ng banyo?” mangha na tanong ko sa itinuro ni Waylon.
Hindi na niya ako sinagot at iniwanan na lang niya ako bigla pumasok na ito sa loob ng banyo.
Nanghahaba ang nguso ko na sinunod ang sinabi nito, kahit na hindi naman talaga sinabi nito na maupo ako doon. Common sense na lang, ano ba ang gagawin upuan, hindi ba para upuan. Kaya naupo ako doon, sa pag-upo ko inilabas ko ang notebook ko kung saan ko iniipit ang schedule ko.
May isang oras pa akong free time, maaga lang talaga akong inihatid ni Uncle dahil sa may trabaho pa ito.
“Halika na, ihahatid kita sa classroom mo.”
Napatingala ako ng may bigla na lang nagsalita sa harapan ko. Si Waylon lang pala, napatayo na lang ako nang hindi na ako hinintay na magsalita iniwanan na lang ako basta.
“Bakit mo ako ihahatid? Boyfriend na ba kita?” tanong ko sa kanya na ikinatigil nito.
Nabangga na naman ako sa likuran niya, this time hindi na ako umarte na nasaktan. Feeling ko naman hindi naman malakas ang pagkakabangga ko sa likuran niya.
“Bakit mo naman naisip na boyfriend mo ako? Hindi ako papatol sa isang high schooler,” sabi nito.
Tiningala ko siya at pinagkunutan ng noo, tapos ngayon ko lang napansin. Papunta kami ng Junior High building.
“Kapag hinahatid ng lalaki ang babae sa pupuntahan niya, meaning boyfriend na siya ng babae.” Paliwanag ko sa kanya habang nakatingala ako sa mukha niya.
Bigla siyang tumawa, namangha ako sa sobrang gwapo niya habang tumatawa siya.
“Unbelievable!” palatak pa nito.
“Yes your unbelievably handsome,” sang-ayon ko sa kanya.
Tumingil siya sa pagtawa at tinitigan niya ako. Hindi na naman siya makapaniwala habang nakatitig sa akin.
Pinanghabaan ko siya ng nguso, “may dumi ba ako sa mukha?” tanong ko sa kanya.
Ganito kasi ang nakikita ko sa mga napapanood ko na movie, iyong kung paano tumingin ang lalaki sa babae. Tapos tatanungin ng babae kung may dumi ba siya sa mukha.
“Saang bundok ka nanggaling?” tanong nito sa akin na hindi pa rin mawala ang pagkamangha habang nakatitig sa akin.
Napaisip naman ako, “hindi naman bundok ang bahay namin. hindi baa ng bundok is a landform that rises prominently above its surroundings, generally exhibiting steep slopes, a relatively confined summit area, and considerable local relief. Mountains generally are understood to be larger than hills, but the term has no standardized geological meaning.”
Iyon naman ang nabasa ko sa mga books na iniuuwi ni Uncle, o maging sa internet. Papaanong magiging address namin iyon, hindi naman bundok ang area kung saan nakatirik ang bahay namin.
Mas lalo kong napansin na manghang-mangha na si Waylon habang nakatitig sa akin.
“Tara na nga baka kung saan pa mapunta itong diskusyon natin na ito,” sabi nito.
Nagsimula na naman siyang maglakad, papunta talaga ng Junior High building ang tinutungo naming dalawa.
“Pwedeng magtanong?”
Hindi siya huminto sa paglalakad pero sumagot naman siya, “ano?”
“Hindi dito ang building ng freshmen, papuntang junior high kasi itong nilalakaran natin.” Aniko.
Napahinto na naman siya, buti may kaunting distansya ako sa kanya kaya hindi ako tumama sa likod niya.
“College ka na?” gulat na naman siyang nakatitig sa akin.
“Oo, eighteen na ako.” Pagmamalaki ko pa sa kanya ng edad ko.
………………………………………
WAYLON…
HINDI ako makapaniwala na ang pandak na ito ay eighteen na. mukha lang siyang twelve sa totoo lang, mas mukha pang dalaga ang kapatid ko kaysa sa kanya.
Naniwala lang ako nang ipakita niya sa akin ang admission slip niya at schedule ng mga klase niya.
“Mukha lang akong bata, pero eighteen na talaga ako.” Pangungulit pa nito.
“Oo na, naniniwala na ako.” Sagot na lang, ang kulit niya kasi.
Kaya nga mas matimbang ang hinala ko na bata pa ito dahil sa ang kulit nito at ang daming hindi alam.
“Babalikan kita dito mamaya kapag natapos na ang klase mo. We had a same schedule,” sabi ko sa kanya nang marating namin ang classroom niya.
“Tour guide lang ba talaga kita? O boyfriend na talaga kita? Bakit babalikat mo pa ako rito?” tanong na naman niya.
At iyan na naman siya sa boyfriend, inilingan ko na lang siya at iniwanan hindi. Hindi ko naman kailangan na magpaliwanag sa kanya. Ang trabaho ko lang naman sa kanya ay bantayan siya dito sa loob ng university. Hindi lang ako inform na college na pala ito, akala ko talaga grade 7. Hindi naman kasi talaga nagbigay ng information ang sponsor ko nang tungkol sa babaeng iyon. Pangalan lang nito at litrato ang alam ko sa kanya, alam ko rin na papasok na siya ngayon at iyon ang simula ng trabaho ko.
Hindi naman mabigat ang trabaho ko, ang kaso lang nang mag-enroll ako napansin ko na agad na may kakaiba sa schedule ko. Mahaba ang time na bakante ko ngayon, hindi full load ang ibinigay sa akin na schedule. Irregular student tuloy ako. Hindi naman ako makapagreklamo dahil pinag-aaral lang naman ako ng libre. Tatanggapin ko kung ano ang ibigay sa akin, basta makapagtapos lang ako ng pag-aaral ko.
Kanina ko lang na pag-alaman na kaya pala ganito lang ang schedule ko ay dahil sa schedule ni Vista. Nakita ko nang ipakita niya sa akin ang schedule niya at ang admission slip nito. Tatlo lang ang subject niya everyday na papasukan, kaya halos ganoon lang din ang subjects ko.
Hanggang sa matapos ko nga ang unang subject ko binalikan ko si Vista sa classroom nito para lang mapamura na wala nang kahit na sinong tao sa loob. Kahit na anong lingon ko hindi ko makita si Vista, saang sulok man ng Corregidor ng building nila.
“s**t saan ko hahanapin ang bulinggit na ‘yon?” kinakabahan kong tanong sa sarili ko.
Kailangan kong kumilos na at hanapin ang punggok na iyon. Kung hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko baka mawalan ako ng scholarship ng wala sa oras. Nakakainis pa first day pa lang ng school year ganito na agad ang kunsumisyon na inaabot ko sa babaeng iyon.
“Lagot ka sa akin kapag nahanap kita,” banta ko pa sa kanya na parang nasa tabi ko lang siya.
Shit ka Waylon, unahin mo na munang hanapin ang punggok na iyon bago ka magbanta. Sermon ko sa sarili ko.