Chapter 17 VISTA… NAPAKUNOT ako ng noo nang may mag-door bell sa labas ng bahay namin. napatingin pa ako sa orasan, nine na ng gabi. Napatingin na naman ako sa may entrance door ng bahay namin ng may nag-door bell na naman. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras sa bahay namin. Wala pa si Uncle kaya hindi ko alam kung bubuksan ko baa ng gate o hindi. Kasi alam ko namang hindi si Uncle ang nasa labas dahil may sariling susi si Uncle tulad ko. At may remote si Uncle ng gate namin kaya kahit hindi ko siya labasin para ipagbukas ng gate ay makakapsok siya rito. Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko. I’m hacking some sites, dito ko na lang inilalabas ang frustration ko. Kung ayaw sabihin sa akin ni Uncle ang buong pangyayari ako na lang ulit ang aalam ng l