" WHERE have you been, yesterday? And who's with you?" Ayaw pa rin matigil ni Sebastian sa kakatanong kay Rhian, hanggat ito mismo ang magsasabi kasama nito ang ama niya.
Tinapos ni Rhian ang pagbihis at umupo sa ibabaw ng mesa ni Sebastian. Ka gabi pa ito nagtatanong sa kanya, nahimigan na niyang pinagdududahan siya nito.
Tinukod nito ang mga kamay sa mesa at nilapit ang mukha nito sa mukha niya.
"Answer me, I'm waiting Rhian." hindi talaga ito titigil hanggat sasabihin niya rito.
" Alright." aniya.
" Kinausap ako ng daddy mo kahapon. He asked my help."
Napa kunot ang noo nito naka titig sa kanya." Help? he must be deluded." sabi nito tumayo ng tuwid.
" Gusto niyang suyuin niya ang mommy mo. Kaya dinala ko siya kahapon sa Paraiso para don surpresahin ang mommy mo." Paliwanag niya.
" Bakit hindi mo sinasabi sa 'kin agad? Bakit ka naglihim?" nagtatampo ang boses nito.
" Dahil na takot ako na baka magalit ka. May plano naman akong sasabihin sa'yo pero kapag lumabas na ang result ng pa surpresa namin ng dad mo sa mama mo."
" And why, you have that flowers in your bag?"
Natawa siya sa sinabi nito nahimigan niya sa boses nitong nag seselos ito." Bumili kami ng bulaklak para pang adorno sa bangka, tapos tinira ko 'yan para sa altar namin."
" Talaga lang ha!" panigurado nito.
" Seloso ka naman masyado." naka ngiti niyang sabi rito.
" Dahil ayaw kong may kahati sa'yo. You are mine just mine." masuyo siyang hinalikan nito sa labi.
" It's getting late, I have to take you home. Nag alala na ang nanay Betty mo."
Nauna siya naglakad palabas ng opisina nagulat siya ng makita ang cellphone nasa sahig.
" Bakit nasa sahig 'tong phone mo." pinulot niya iyon.
" Bakit na basag ito?" nagtataka niyang tanong.
" Ganyan ang magiging hitsura ng lalaking susubok na agawin ka sa'kin babasagin ko ang mukha." mariin nitong sabi.
" Sira ka talaga, walang aagaw dahil hindi naman ako magpapaagaw eh." tugon niya rito.
Magka hawak kamay silang lumabas ng building.
MATAPOS maihatid ni Sebastian si Rhian sa bahay nito nagtuloy na siya sa kanila. Mag alas dos na nang madaling araw ng makauwi siya. Nagtuloy siya sa kanyang kwarto at agad na humiga sa kama hindi na niya talaga malabanan ang antok.
Napa balikwas siya ng bangon ng may kumalabog mula sa sala. Papungas pungas siyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdanan.
Napa kunot noo siya ng makita ang mga magulang.
Hawak nang kanyang ama ang isang kamay ni Monica. Tuwang tuwa itong umikot ikot.
" What a beautiful life." natatawa nitong sabi habang yakap ito ng asawa mula sa likuran.
"Parang masusundan na yata ako, nito." natatawang biro ni Warren naka tayo sa kanyang likuran.
"Luko ka!" aniya sa kapatid at tinalikuran ito.
" Na ingit ka naman!" Biro nito sa kanya.
" Mag hanap ka kasi ng sayo." aniya, hindi ito nilingon.
" Liligawan ko si Rhian."
Napa hinto siya sa paglakad at nilingon ito.
"Stay away from her." Galit niyang sabi.
" I got you!" natatawang sabi ni Warren ng makita tumigas ang mukha niya sa galit.
" Bakit, gising pa kayo?" sita sa kanila nang ina ng makita sila nito.
" Ginising niyo kami. Saan ba kayo galing?" tanong ni Warren rito.
" Ngayon lang kayo naka uwi mom?" tanong niya.
" Yes, and we have a good time together." sabad ng ama.
" Tell Rhian, thank you very much for a wonderful surprise." Hindi pa rin ma alis sa labi ni Monica ang ngiti.
Nilagpasan sila ng mga ito na iiling na lamang siyang sinundan ng tingin ang dalawa magkahawak kamay pumasok sa kwarto nito.
Lalo siya napahanga sa dalaga, thanks to her naging okay ang ama niya at ina.
Nagsisi tuloy, siyang pinapairal niya ang pag dududa kahapon, sirang sira tuloy ang araw niya dahil sa maling akala.
" Minsan talaga hindi maganda ang magpadalos dalos at magpapadala ng selos. Dahil sa selos ka dalasan nasisira ang magandang relation. At ang selos ang daan papunta sa kapahamakan." Bigla siyang nakaramdam ng guilt ng maalala pinarusahan niya ang dalaga ka gabi.
" But it was good punishment." napa ngiti siya, " With pleasure that full of satisfaction for both of us."
ANTOK na antok pa si Rhian, pumasok ng opisina. Gusto niya sana mag absent pero nanghihinayang naman siya sa araw na walang ginagawa. Naglakad siya papunta sa office ng madaanan niya si Albert at Charry nag uusap sa loob ng office nito.
Tahimik siyang lumapit roon para pakinggan kung ano ang pinag uusapan ng dalawa.
" Rhian, what are you doing there?" inis na sita sa kanya ni Charry ng makita siya nito bahagyang naka kubli.
Ngumiti siya rito," Good morning ma'am Charry, tatanungin lang sana kita kung gusto mo ba ng kape?" pagdadahilan niya.
Tinaasan siya nito ng kilay," Are you spying on me?"
"Po? Hindi ah!'
" Then what are you doing there? why are you hiding behind that wall?" inis nitong tanong.
" Hindi ako nagtatago dahil wala akong dapat pagtaguan." aniya rito." Ako na nga itong nagmamagandang loob na mag alok sayo ng coffee ikaw pa itong nagsusungit." tinalikuran niya ito at bumalik siya sa kanyang opisina.
Ginugol niya ang attention sa kanyang trabaho. Na bigla siya ng mag ring ang telepono.
" Rhian, sabay tayong mag lunch mamaya." bungad ni mrs Vasquez sa kanya sa kabilang linya.
Napa lingon siya sa orasan mag alas dyes na. Nilingon niya ang mesa ng binata wala pa rin ito. " Hindi siguro ito papasok baka napagud ka gabi."
" What? Who's pagud?" pukaw sa kanyang attention sa kabilang linya.
" Ah, eh.. Sige darating ako mamaya." naka ngiting tugon niya.
" Sige, don tayo sa dati mong pinagtrabahuan ha? Hintayin kita du'n" sabi nito at pinutol na ang tawag.
Insakto alas 11 na ng umalis siya sa opisina wala din naman ang kanyang amo kaya wala siyang masyadong trabaho.
NAGTATAKA si Sebastian ng makarating ng opisina wala ang dalaga. Napa tingin siya sa orasan nasa kanyang bisig, alas onse y medya na." Baka nananghalian." sa kaloob looban niya.
"Sebastian I think Rhian is a spy." bungad ni Charry pumasok sa opisina niya.
Natigil siya sa kanyang ginawa " What makes you say that?"kunot noo niyang tanong rito.
" Nahuli ko siya kanina nakikinig sa pinag usapan namin ni Albert." sumbong nito.
Na curious siya sa pangalan binanggit nito," Who's Albert? And why are you accusing her of being spy? Do you have prof" sunod sunod niyang tanong.
Natigilan ito tila nag iisip ng maisasagot.
" Who is Albert?" ulit niyang tanong rito.
Inisip niya kung same Albert ba ito na dating nobyo ni Rhian.
"My friend, Albert." kinakabahan nitong tugon.
" Magandang tanghali sir." sabad ni Rhian sa kanila.
Napa lingon sila rito." Heto pala ang check ni mr Sanches." tukoy nito sa isang cliente nag invest sa kumpanya nila.
Nilapag nito ang check sa mesa niya at bumalik din ang dalaga sa mesa nito.
" Oh, congrats Sebastian na e closed deal mo rin pala si mr Sanches." ani Charry.
" Yes, malaki rin ang ininvest niya sa kumpanya natin." tugon niya.
" I have to go back to my office." paalam ni Charry.
" Saan ka galing babe?" tanong niya ng maiwan silang dalawa.
" Nag lunch kami ni mrs Vasquez inaya niya ako. Kanina kapa dumating?" balik nitong tanong sa kanya. Napa hikab pa ito.
" Oo, hindi ko malabanan ang antok kanina. Ikaw, umuwi kana lang muna mukhang antok na antok kapa." aniya.
" Hindi! okay lang naman ako." pilit nito pero panay ang paghihikab kaya pinilit niya itong pinapauwi.
" Bukas susunduin kita sa inyo, kayo ni aling Betty." bilin niya rito bago ito lumabas ng opisina.
" Bakit ano ang meron bukas?"
" Birthday ni dad, at ikaw ang special na bisita dahil pinag bati mo sila ni mommy." naka ngiti niyang sabi rito.
" Kakahiya naman." saad nito.
Hinalikan niya ito sa labi." Wag kana mahiya. Sige na umuwi kana para makapag pahinga ka." Taboy niya rito.