The woman in my dream. Episode 32

1432 Words
" NAY, bilisan mo na riyan, baka darating na si Sebastian." Bihis na bihis na siya pero ang kanyang ina nasa labas pa rin ng bahay nagsasampay ng mga damit. Dumungaw ito sa pintuan, " Anak, baka pweding maiwan nalang ako dito sa bahay?" " Nay, hindi pwedi iwanan kita rito. Sabi din ni Sebastian isasama ka, ayaw mo bang makilala mga magulang niya?" lumapit siya rito. " Hindi rin 'yon papayag nay na hindi ka sasama." Wala na itong nagawa dahil mapilit siya, kaya pumasok na ito sa bahay, para magbihis. " Anak, hindi ba nakakahiya sa mga magulang ni Sebastian? Mayayaman pa naman 'yon tapos tayo, mahirap lang. Paniguradong puro mga mayayaman din ang mga bisita nila." umupo ito sa pahabang upuan, pagkatapos nitong magbihis. " Nay, hindi porket mahirap tayo, eda-down mo na ang sarili mo. Oo mahirap nga tayo, pero wala naman tayong inapakan na tao. At hindi din natin hahayaan apakan din nila tayo, lalo pa hindi sila ang nagpapakain sa'tin. Saka pa nay, mababait talaga ang mga magulang ni Sebastian." Umupo siya, sa tabi nito. "Hindi lang kasi ako sanay anak, Alam mo naman nandito lang ako palagi sa bahay natin." Niyakap nya ang braso nito. "Ayos lang 'yan nay, kasama mo naman ako." nilalambing niya ang ina. " Magandang gabi, aling Betty." naka ngiting bati ni Sebastian naka tayo sa may pintuan. " Pasensiya na tagalan ako na stucked kasi ako sa traffic." " Ayos, lang mahalaga narito kana." tumayo siya. " Nay, dali na." naka ngiti niyang aya rito. " Tara na po aling Betty naghihintay na sina mommy sa atin." hinawakan nito ang kanyang ina. " Hindi ba talaga nakaka hiya hijo?" Napa ngiti si Sebastian sa turan ng kanyang ina." Hindi po, nandito naman ako kaya, wag kana pong mahihiya." Napagitnan nila mag ina ang binata papunta sasakyan, inalalayan nito ang ina maka upo sa back seat, siya naman sa tabi nito sa front seat. Nilingon niya ang ina," ayos lang kayo nay?" nag alala niyang tanong ng matahimik itong naka tingin sa labas ng sasakyan. " Wag po kayong kabahan aling Betty, dahil mabait po si mommy." sabad ni Sebastian at pinaandar nito ang sasakyan. Madami na ang tao sa bakuran ng makarating sila, tulad ng kanilang inasahan puro mga mayayaman ang nandon. " Hello Rhian." naka ngiting bati sa kanya ni Warren ng makita sila nito. " Nanay ko." pakilala niya sa ina. " Nice to meet you po." magiliw na bati ni Warren sa kanyang ina. Nginitian ito ng kanyang ina. " Nasaan si mommy at daddy?" tanong ni Sabastian sa kapatid. " Si mommy, nasa loob si dad naman may pinuntahan pa." tugon nito. Nagtuloy silang pumasok sa loob ng bahay. " Sandali aakyatin ko lang si mommy, baka nasa kwarto n'ya." iniwan sila ni Sebastian sa sala. " Paki dalhan sila ng maiinom please." Narinig niyang utos ni Sebastian sa katulong. Ilang saglit lang ay muling bumaba si Sebastin kasama ang ina nito. " Hija Rhian." masayang bati ng ginang sa kanya at niyakap siya nito. " Nanay, ko po." Napa titig sa isat-isa ang dalawang ginang, " Betty?" kunot noo tanong ni Monica. " Ma'am Monica, Ikaw po ba 'yan?" naka ngiti tanong ni Aling Betty rito. Pareho silang naguguluhan ni Sebastian naka tingin sa dalawa. " Magka kilala kayo?" " Oo." tugon ni Monica at niyakap nito ang ginang." Oh Betty, ang tagal kong inasam asam makita kang muli." Gusto pa sana makipag kwentohan ni Sebastian, pero tinawag ito ng isa sa mga bisita naroon. " Excuse me, sandali." nag mamadaling nilapitan ni Sebastian ang tumawag rito. Umupo siyang muli sa tabi ng ina. Na amaze siya magkakilala ang dalawang ginang. " Rhian, halika." tawag ni Warren sa kanya. " Saan ba tayo pupunta?" nilapitan niya ito. " Nagluto ako ng up side down cake gusto kung tikman mo kung sakto lang ba ang lasa nun." Natawa siya sa sinabi nito kala niya kung ano na. Sumunod siya sa paglakad rito papunta sa bungalow bahay nasa likuran lang din. " Saan ba kayo pupunta?" sita sa kanila ni Sebastian ng maka salubong nila ito. " Du'n lang kuya, sa kabilang bahay, patikman ko lang ni Rhian ang niluluto kong cake." Tinignan nito ng masama si Warren," Binabalaan na kita noon." Hinawakan niya ang kamay nito." Hindi naman ako magtatagal." Dumura ito sa gilid." Kailangan maka balik ka agad bago ma tuyo 'yan laway na 'yan dahil pag hindi, mapaparusahan nanaman kita," pilyo itong ngumiti sa kanya. " lukoluko ka talaga eh. Sige na iiwan na kita." tinalikuran niya ito. Bigla siya hinila palapit sa katawan nito," Wala ba akong kiss?" malambing nitong sabi. " Naku, pinatagal mo ako, mamaya n'yan di pa ako naka alis tuyo na 'yan laway mo." natatawa niyang sabi at dinampian niya ito ng halik sa labi saka, niya ito iniwan. NAALALA ni Sebastian, ang Cheque na iwan niya sa kanyang opisina. Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang sasakyan para balikan ito sa opisina niya, baka manakaw pa'yon malaki pa naman ang halaga nun. Na abutan niya ang guard naka upo sa gilid ng entrance ng building. Tumango lang ito ng makita siya. Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Mula sa di ka layuan na tanaw niya ang lalaking naka tayo sa pintuan ng opisina niya, mismo pilit nitong binubuksan. Bigla siyang kinabahan. Dahan-dahan siyang humakbang palapit roon at ingat na ingat siyang kumilos na hindi maka likha ng ingay. Malalagutan niya ito kapag mahuhuli niya. " Sebastian? Ano ang ginagawa mo rito?" Napa takbo ang lalaki ng marinig ang malakas na boses ni Charry. "G*go kang magnanakaw ka ha!" hinabol niya ito palabas ng building, "guard!" sigaw niya. Hindi na niya na abutan ang magnanakaw, mabilis itong naka labas ng building. " Ano ang ginagawa mo rito?" inis niyang tanong kay Charry naka sunod sa kanya. " Binalikan ko itong susi ko sa bahay." Sabay taas ni Charry sa hawak na susi. " Kung hindi mo lang ako tinatawag di sana na huli ko 'yun." galit niyang sumbat rito. . " Diko naman alam na may tao pala, ikaw lang ang nakita ko." pangatwiran nito. " Ano, ang ginagawa mo? Paano naka pasok 'yong magnanakaw rito?" Galit na baling niya sa gwardiya. " Sir, ikaw lang naman po at si ma'am Charry dumaan rito. Hindi ko po 'yun nakita dumaan dito eh." anang Guard. Tinignan niya ang dalawa pang pintuan pero sarado ang mga 'yun. Napa isip siya kung saan dumaan ang magnanakaw kung hindi ito naka daan sa harapan. Napa iling-iling siyang naglakad pabalik sa maince entrance. " Tignan mo ang cctv, kung sino 'yun nag tagkang buksan ang opisina ko." Galit niyang utos sa gwardiya at muling tinungo ang opisina. " Pauwi na ako babe." tugon niya sa dalaga ng tawagan siya nito. " Kinuha ko lang 'yong checked na binigay sa'yo ni mr Sanches, nakalimutan ko kasi dalhin 'yun kahapon." Hindi rin nagtagal ang pag-uusap nila agad niyang pinutol ang tawag at binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan pauwi sa kanila. Na abutan niya ang kakaparada lang na motorsiklo sa labas ng kanilang gate. Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan ng makita ang invistigador inutusan ng ama. " Sir, magandang gabi ho." pasiuna nito ng malapitan siya. " Dala mo na ba ang information?" " Yes, po." inabot nito ang brown na envelope. Binuksan niya ang glove ng sasakyan at kinuha ang pera mula roon at inabot niya rito "Salamat sa serbisyo mo" " Sige, po sir. Aalis na ako." Bigla siyang kinabahan habang naka tingin sa hawak niya, hindi niya alam kung handa naba siyang makilala ang kapatid sa ama. Nanginginig ang mga kamay binuksan ang envelope at nilabas ang letrato mula roon. " What the f*ck." bulalas niya ng tuluyan lumantad sa harapan niya ang hitsura ng dalawang babae. Hindi niya naintindihan ang sarili ramdam niya ang pagdaloy ng mga dugo mula sa paa niya hanggang ulo. Niluwangan niya ang pagka tali ng kanyang necktie, pakiramdam niya nasasakal siya, hindi siya makahinga. Nanginginig siya hindi niya ma explain ang kanyang naramdaman. Nagtuloy siyang pumasok sa loob ng bahay ni hindi niya naiparada ng maayos ang sasakyan. " Bro, tikman mo itong cake na ginawa ko." salubong ni Warren sa kanya. " Not now Warren," nilagpasan niya ito. Naabutan niya si Rhian, Betty at ang kanyang ina masayang nag-uusap. " Malapit na daw ang dad mo." bungad ng ina sa kanya. Hindi niya makuhang sagutin ang ina. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. " Where are you going hijo?" Hindi niya nakuhang lingunin ang ina, nagtuloy siyang lumabas ng bahay.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD