Guia: NATAUHAN ako bigla at tinanggal ang pagkakayakap niya at umiwas. "Seryoso ka ba diyan sa ginagawa mo? Kasi sinisira mo na ang buong pagkatao ko." Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi na ako makakapayag sa gusto niya dahil alam ko naman kung ano talagang habol nito. "Why are you doing this? Sinabi mo na nga diba, sinabi mong hindi ikaw ang para sa'kin. Tapos ngayon nandito ka para saan? Maglabas ng init ng katawan mo? f**k! I'm done with you!" Ayoko na ng paligoy ligoy. Hindi ko ugali ang magpakatanga. Wala sa bokabularyo ko ang magpaka martir. "I don't think if I can let you go. Pinilit kong lumayo muna at mag isip-isip dahil alam kong hindi tama. This is not right to think na nasa pamamahay ako ng bestfriend ko at nakikipagtalik sa nag iisa niyang anak. But damn! This is so insane!