Third Person's Pov "ANO? Anong dahilan mo Fernan at ititigil natin pansamantala ang kasal?" Hindi makapaniwala si Sandra sa naging desisyon ng Nobyo. "I can't tell you right now." Magulo ang isip ni Fernan. Mautak ang kanyang anak dahil alam niyang hindi siya makakatanggi sa alok nito. "Hindi pwedeng ganyan. Maglilihim ka sa'kin?" Inis na nagsalita si Sandra. "Sandra hindi ba sinabi ko na sa'yo na ayokong pinangungunahan?" Ugali talaga nito na ayaw na ayaw pangunahan ng ibang tao. Alam nga ni Guia kung paano makipaglaro sa ama kaya't napapayag niya ito sa kundisiyon niya. Walang nagawa si Sandra kundi ang tumahimik. Magkasama nga sila sa iisang kwarto ngunit nanlalamig naman ang pakikitungo ni Fernan dito. Tahimik lamang ang dalaga sa harap ng salamin habang nagpapahid na ng mamahali