GUIA: ILANG ARAW ANG LUMIPAS, kasalukuyan akong nasa hacienda nang biglaan naman ang pagbalik ng Papa kasama ang kirida niya. Para sa akin ay kirida o kabit si Sandra. Hindi ko siya matatanggap kailanman. Hinding-hindi. Malaki ang pagkakangiti ni Sandra. Sinalubong sila ng mga kasambahay para kunin ang mga bagahe pati na rin ang mga bagong pinamili na galing ibang bansa. "Hija." Niyakap ako ng papa. Hindi ko ito sinagot, ni hindi ako nagresponde sa mga yakap niya. Naroon naman si Fabian na kabababa pa lamang. Marahil ay nahalata ito ng papa at kaagad siyang bumitaw at pumunta sa gawi ni Fabian. "Kumusta ang anak ko? Hindi ba siya nagpasaway sa iyo?" Tila gumuhit bigla ang kaba sa puso ko. f**k! Gusto kong magmura. Bakit ako naaapektuhan? Tumaas na lamang ang balahibo ko dahil naroon ang