'I crave intimacy, not just your body.' BIYERNES ng gabi. "Are you sure you don't want to go to my place?" ani ng isang babaeng nakatodo dikit kay Fabian. Kasalukuyan silang nasa bar at malakas ang tugtugin. Nakailang tungga na ng alak ang binata habang nakatingin sa malayo. Hindi nito pinapansin ang pangungulit ng babae dahil iisa lang ang nasa isip niya. Iyon ay walang iba kun'di ang anak ng kan'yang matalik na kaibigan--- si Guia. Nagtiim-bangang ito, paulit-ulit na rumirehisto sa kaniyang isipan ang binitawang salita sa kaniya ng dalaga. Napukaw ang atensiyon ng binata nang pisilin ng babae ang kaniyang hita. Nilingon niya ito, isang babaeng maganda at nakakalibog ang pangangatawan. Ubod ito ng ka-sexy-han na patitigasin ang armas ng mga kalalakihan. Malandi itong sumulyap kay Fabi