“SI HECTOR, PWEDE niyang gawin iyon kay Helga dahil...” Napabuntonghininga si Sir Arquil at agad ng napailing. “Hindi ko dapat kinukwento ito. Mira, mas mabuti pang hayaan mo na lang ako rito. Salamat sa pag-aalala sa akin.” Napapikit na lang ako. Hindi pwedeng lalabas ako rito na may katanungan na naiwan sa isipan ko. Mababaliw ako! Hindi ko gusto na nagkakaganito ako dahil hindi ako makatutulog. Kilalang-kilala ko ang sarili ko. Napabuntonghininga ako. Kailangan kong mag-isip pa ng paraan. Kahit imposibleng magagawa iyon ni Daddy Hector sa Mommy Helga ko, kailangan ko pa rin malaman kung bakit niya pinagbibintangan si Daddy. Pwede naman ang kanyang asawa na may malaking inggit sa Mommy ko? Bakit si Daddy pa ba talaga na sobrang mahal ang Mommy ko? Nakapagtataka lang, hindi ba? Kaya may