NATAPOS NA LANG akong mag-ayos ay humihilik pa rin si Daddy. Masarap talaga pakinggan ang hilik ng isang ama. Iyong tipo na pakiramdam mo na masasabi mong nasa tahanan ka talaga. Napangiti naman ako nang maalala noong bata pa ako na sa tuwing humihilik si Daddy, nilalagyan ko ng bimpo ang bibig niya para tumahimik. Ganoon ako kapilya dati sa kanya. Dahil marami pa naman akong oras, pinakulot ko muna ang buhok ko. Ginaya ko ang natural na ayos ni Mommy. Itong style ng suot ko, ginaya ko rin sa kanya. Isang long dress na may denim na jacket. I may appear old in this style, but it is my revenge on Sir Arquil; I wanted him to remember me as his first love, Helga. This is my retribution for him, as he accuses my own father of being the primary suspect in my mother’s terrible murder. Nang na