WALANG BALAK PA rin tumigil si Sir Atlas sa pakikipaghalikan namin. Damang-dama ko lang iyong gigil niya. Halos higupin niya ang buong pagkatao. Hindi ko nga inaasahan na ganito na siya kagaling. Nakamamangha lang! Siguro pinagsikapan niyang matutunan ito. Ito rin ang unang beses ko na makipaghalikan at masasabi ko na hindi siya ganoon kahirap. Madali lang naman pa lang siyang gawin. Kailangan ko lang gumanti nang nakasalungat sa bawat galaw niya. Nang nahirapan na akong huminga, napagdesisyunan ko ng tumigil. Nagkatinginan lang kami habang hindi maitago ang saya sa aming mukha. Hinahabol ko na ang hininga ko. Aminado ako na napasobra rin ako sa pakikipaghalikan sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Maliban sa unang beses ko ito, napakasarap din ng boss ko. “Mukhang kailangan mo ng aero