Chapter 1

865 Words
"Mom! Bakit pa kasi need kong lumipat? Okay naman na ako sa school ko!" Tinatanong ko si mommy habang padabog kong nilalagay ang aking damit sa maleta. Nakakainis! Kung kailan naka-adjust na ako, roon naman ako papalipatin ulit! "Honey, ilang beses ko bang sasabihin sayo, doon inassign ang daddy mo kaya sasama tayo. Sa ayaw at sa gusto mo!" I rolled my eyes. No choice. May magagawa pa ba ako? Umalis si mommy at mukhang aayusin na niya ang kanilang gamit. Ayoko talaga sumama pero ibebenta nila ang bahay. "Honey? Are you done?" Nakita kong sumilip si daddy sa pinto. "Why you sad? I'm sorry, okay. It's daddy's fault. Doon kasi ako inassign, honey." Kaninang malungkot kong mukha napalitan ito ng makita ko si daddy. "It's okay, dad. Mag-aadjust na naman ako roon. Paano kung hindi ko sila makasundo?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Paano kung matapobre ang mga bagong schoolmate ko? Mukhang pang-mayaman ang school na lilipatan ko. "Don't worry, honey. My childhood friend sons doon din nag-aaral." "Kahit na dad! I'm scared! But, I'm excited kasi mas malapit na kila lolo." I giggled. His pinched my cheeks kaya sumimangot ako. "Daddy naman!" Ungol ko rito. "Come on, hinahanap na tayo ng mommy mo." Tumayo siya at kinuha ang tatlong maleta ko at dalawang backpack. Wala ng gamit ang buong kwarto ko, nasa truck na ang mga ito. Nasa backseat ako at si mommy ang nasa passenger seat, si daddy naman ang nagdadrive. Kasunod namin ang truck kung sa'n ang mga gamit namin. Almost two hours ang byahe pero mas malapit ito sa siyudad kaysa sa unang bahay namin. Iidlip muna ako. Malayo-layo pa naman ang byahe namin, e. Baka ma-traffic din kami kasi linggo ngayon, marami na nag-uuwian pabalik sa mga apartment nila o pabalik dahil mga nagbakasyon sila. Nang maalimpungatan ako nakita ko na lang ang aking sarili sa malambot na kama na nalilibutan ng kulay pink and blue na pillow and kurtina. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng k'wartong kinalalagyan ko. Medyo malaki ito kumpara sa k'warto ko sa dating bahay namin. Bumangon ako at nag-unat-unat ng aking mga braso, doon ko lang nakita ang mga gamit ko sa lapag. Ito na nga ang k'warto ko. Pumunta ako sa bathroom, namangha ako dahil malaki rin ang bathroom na nasa room ko. Nagmumog ako at tinignan ang aking sarili. Nang makitang maayos na ang aking itsura, saka na ako lumabas ng k'warto na kinalalagyan ko. Nasa hagdan palang ako may narinig na akong mga boses. Mukhang may bisita agad kami, ha? Nang nasa huling palapag na ako ng hagdan doon na ako nakita nila Mom. "She's awake na. Our princess." Nakatingin silang lahat sa akin. Tatlong lalaki at isang babae. Para naman ako hinuhubaran ng dalawang binatang ito. Paniguradong ito ang kaibigan ni Daddy. "H-hello po. I'm Jewel Orlando. Nice to meet you all." Sabi ko sa kanila. "He's pretty, Dylan. Nagmana kay Jessie." Sabi ng lalaki at nakangisi ito kay daddy. Napadako ang aking tingin sa dalawang binata na masamang nakatingin sa akin. Inaano ko ba sila? "Hi, Jewel, this is my sons, Carl and Carlos. They're twins." Aniya ng magandang babae na nasa tapat ni Mommy. Tinuro niya ang kambal na lalaki na masamang nakatingin sa akin. Ang creepy nila. Mukha nga. Hindi naman sila gaanong magkamukha talaga, may pagkakaiba silang dalawa. Iyong isa may pilyong ngiti at isa mukhang seryoso. Katakot. "Nice to meet you." Sabay nilang sabi sa akin. Ganoon ba kapag twins, kailangan sabay? My rules ba sila? "Mag-meryenda muna kayo. Cookies and cold chocolate." Sabay lapag ni mommy sa tray. Nagkukwentuhan lang sila about sa business ng pamilya ng kaibigan ni Daddy kaya umalis na lang ako. Wala naman ako maiintindihan sa sasabihin nila, e. Napadako ako sa likod ng bahay. Wow! Garden. Mahilig kasi si mommy magtanim. Umupo ako rito sa wooden chair habang nakaharap sa mga tanim na rosas ni mommy. Mga nauna pala ang mga 'to. Nagulat ako ng may tumabi sa akin. Ang twins pala. "Jewel, right?" Sino nga 'to? Tumango ako rito. "I'm Carlos, and this is Carl. We're twins, halata naman diba?" Tumango ako sa sinabi ni Carlos. "May pagkakaiba kami ni Carlos. Siya masungit, ako mabait." He wiggled his eyebrows. "Manahimik ka." Sabay batok sa kakambal niya. "Sadista rin siya, Jewel." "Anyway, sa school ka namin papasok?" Tumango ako kay Carlos. May aura si Carlos na mapapasunod ka niya agad sa kanya. Isang sabi lang niya, sasagot ka agad. "Hey, Carlos, natatakot sayo." "What? Wala naman ako ginagawa sa kanya. Binabalaan ko lang siya, na once na lumapit siya sa mga lalaki," lumapit ang kanyang mukha at tinitigan akong mabuti, "She's dead." Napaatras ako sa kanya dahil sa kanyang pagkakasabi at sabay umalis siya sa p'westo niya kanina. "Don't worry, baby. Ganoon lang talaga si Carlos, ayaw maagawan. Sundin mo na lang iyong sinabi niya." Tumayo na rin siya at sabay hinalikan niya ako sa pisngi ko. "See you tomorrow, baby!" Sabay kindat niya sa akin. Napahawak na lang ako sa pisngi ko kung sa'n niya ako hinalikan. Para saan niyon? to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD