"Honey, wake up. Malalate ka sa new school mo, gusto mo ba iyon?"
Mommy naman, e. Inaantok pa ako, e. Pero, wala akong nagawa kung hindi bumangon na rin ako habang kinukusot ang aking mga mata.
"Come on, Honey, maligo ka na. May susundo pala sayo. Bilis, Jewel. Nakakahiya sa kanila."
Naiinis akong kinuha ang towel at pumasok sa bathroom.
Sino naman ang susunod sa akin? Wala naman akong kakilala rito?
Pagkatapos kong maligo, nakita ko ang uniform ng bago kong school. Lazaro University. Black and white ang kulay ng uniform medyo maikli sa akin hanggang tuhod ko ito, hindi pa nga umabot sa tuhod, e.
Inayos ko ang aking buhok at pinusod na lamang ito sa kalahati. Okay, ayos na ako. Sana maayos din ang mga schoolmates ko.
Bumaba ako at sumalubong sa akin ang kambal. We're neighbors?
"Mom!" Sigaw ko habang nakatingin pa rin sa kambal.
"Yes, honey? Kumain ka muna bago pumasok."
Umupo ako sa hapag. Bacon, eggs, hotdogs and fried rice ang nakahain. Lalo tuloy akong nagutom.
"Twins, kumain na ba kayo sa inyo?" Tanong ni mommy sa kanila.
Hindi ko napansin na sumunod pa sila sa akin.
"Yes po, 'ta. We're done. Thank you sa pag-alok." Carl's answered.
Binilisan ko ang pagkain, nahihiya ako sa kambal. Kanina pa yata sila rito.
"I'm done, Mom! Where's Dad?" I asked habang umiinom ako ng milk ko.
"Pumasok na, honey. Go na, nakakahiya sa kanila." Sabay tulak sa akin.
Hindi ko naman sinabing sunduin nila ako 'tas ngayon ko lang sila nakilala. I rolled my eyes. Duh.
Lumabas na ako ng bahay at sumunod sila agad.
"Mom, alis na po kami. I love you!" Sigaw ko kay Mommy.
"Take care, honey! I love you too!" I nodded.
Nasa labas na ako ng gate, nakita ko ang red car doon sa tapat ng gate namin, may kotse na sila? Ilang taon na ba sila?
"Dito ka na sa passenger seat, baby. Sa backseat na ako." He wicked.
Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa sinabi niya, sasabay lang naman ako sa kanila, e.
Binuksan niya ang pinto at inalayayan niya ako pumasok sa car.
"Don't mind him," binalingan niya ang kanyang kapatid.
"Carl..." May diing sabi ni Carlos sa kapatid at nag-usap na sila sa kanilang mga mata.
Bigla na lang tinaas ni Carl ang kanyang mga kamay.
"Baby, tourism course pala ang kinukuha mo." I nodded.
Naiilang ako sa kanya dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Magkakilala ba ang mga magulang natin?" I asked.
Tumango ang dalawa.
"They're bestfriends since high school. You don''t know?" Umiling ako kay Carl.
Kami lang dalawa ang nag-uusap at si Carlos masyadong focus sa pagdadrive.
"Ah!" Napasigaw ako ng biglaang prineno niya ang kotse. Mukhang aatakihin ako sa puso dahil sa kanya.
"We're here." Simple niyang sabi sa amin.
Hindi man lang nagsorry dahil sa ginawa niya.
Tumingin ako sa bintana at nakita ko roon na maraming estudyante ang nakaabang at nakatingin sa kotse na sinasakyan ko. Bigla akong kinabahan. Sikat ba sila rito?
Hinawakan ni Carlos ang kaliwang braso ko, 'di ko napansing nanginginig na pala ako dahil sa kaba.
"Don't worry, we're here for you. Subukan nilang katiin ka, kami ang kanilang makakalaban." Natakot ako sa sinabi ni Carlos.
Napaamang ako sa sinabi niya. Ganyan ba talaga siya magsalita?
"Hatid na kita, baby. Carlos?" Tumango siya sinabi ng kanyang kapatid.
Paglabas namin ng kotse, ang daming tumingin sa amin halos babae at ang sasama ng tingin nila sa akin.
"Don't mind them. Mas maganda ka sa kanila. Okay, baby." He winked at me.
"Sa lunch break, wait us, Jewel." Habol nitong sabi.
Hinatid na ako ni Carl sa classroom ko, bakit nga kasi tourism ang course ko?
Ah, oo nga pala, hindi kasi ako matalino sa math.
Pagkarating ko sa classroom, lahat sila tumingin sa amin at parang kinilig. Eh?
"Susunduin ka namin mamaya, hintayin mo lang kami rito." Pagpapaalala niya sa akin.
"Okay." Iyon na lang nasabi ko.
Wala naman 'din ako kilala rito. Sila pa lang naman ang kilala ko sa University na ito.
Pumasok na ako at ang kanilang mga mata ay nakatingin sa akin.
May matangkad na lumapit sa akin.
"Bago ka rito?" Tumango ako.
Nginisihan niya ako, "Paano mo sila nakilala kung bago ka rito?" Sabay taas niya ng kilay.
Napalunok ako. Ayoko ng away. Bago palang ako rito mukhang malilipat na ako agad sa ibang University.
" ang mga daddy namin magkaibigan sila," agad na sagot ko sa kanya. Katakot.
Ngumiti siya sa akin, "by the way, I'm Clarisse, cousin of the Lazaro twins. Nice to meet you. Buti dumating ka na."
"H-huh?" Napamaang ako sa sinabi niya.
Ang kaninang maangas na boses niya ay napalitan agad ng mahinahon. Baliw ba siya?
"Nothing, Jewel. Tabi tayo!"
Paano niya ako nakilala? Hindi ko naman sinabi name ko, ha?
Magtatanong pa sana ako ng dumating na ang prof. namin at pinakilala ako sa mga new classmates ko.
Ano ba mangyayari sa akin dito? Kinakabahan talaga ako lalo na sa Lazaro twins. May kutob talaga ako sa kanilang dalawa.
Nang dumating ang lunch break, nakita namin ni Clarisse ang mga pinsan niyang nasa labas na ng classroom.
"Bantay sarado," bigla niyang sabi.
Huh? Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Clarisse, magkaklase kayo?"
Tumango siya sa sinabi ni Carl, "Yep! At nakilala ko rin siya. Kayo, ha. Nice taste." She's giggled.
Hindi ko alam kung ano tinutukoy niya at ano ang kanilang pinag-uusapan.
"Let's eat. One hour lang ang break." Nakakatakot talaga si Carlos magsalita.
"Tara na, Jewel! Baka mainis pa ang lalaking iyon." Yaya niya sa akin.
"Ganyan ba talaga ugali niya? Nakakatakot parang laging may kaaway." Bulong ko kay Clarisse.
Para laging may red flag si Carlos daig pa niya ang babaeng may mens.
"Ganyan talaga n'yan, ayaw maagawan."
Kumunot ang aking noo, "marami bang tao sa canteen? Nagkakaubusan ng pagkain?" Dapat pala magbaon na lang ako kung ganoong ubusan pala ng food dito.
Tumawa siya sa sinabi ko. Wala naman mali sa sinabi ko, ha?
"Innocent," baling niya sa akin. "Malalaman mo rin next time, Jewel. Okay." I nodded. No choice, e.
Nang makarating sa canteen, halos mapuno ito ng mga estudyante. Ang dami pala nag-aaral dito. It's a private school.
"Dito tayo sa taas, baby." Unang umakyat si Carlos, sumunod si Clarisse at kami ni Carl.
"This is our haven. Mula ngayon, dito ka na rin Jewel." Tumango ako kay Carlos. Kapag tinitignan ko siya parang may kung ano sa akin na gusto ko siyang halikan sa kanyang mapulang labi.
Pinilig ko ang aking ulo. Nababaliw ka na Jewel! Hindi mo pa nga sila gaanong kakilala. Tapos ang halay na ng iniisip mo.
"What's wrong, baby? Are you okay? Masakit ba ulo mo?" napalingon ako kay Carl na nakatitig ngayon sa akin.
Bakit sobra sila nag-aalala?
"I'm okay. Nagugutom na siguro ako." Sabay iwas ng tingin sa kanya.
Ilang saglit lang dumating na ang pagkain, di ko alam kung paano nagkaroon ng pagkain, e, di pa naman kami umoorder.
Kumain ako ng tahimik, nahihiya kasi ako sa kanila. Ang bait nila sa akin kahit ngayon ko lang sila nakilala. Iyong tipong ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanilang dalawa. Sa Lazaro twins.
Nang matapos kumain, hinatid din nila kami sa aming classroom.
Natapos ang unang araw ko sa bagong University ko, naging maayos naman ang unang araw ko rito, wala naman umaway sa akin.
Nagliligpit na ako ng aking gamit ng may sinabi sa akin si Clarisse, "Jewel! Una na ako, ha? Nandiyan na ang boyfriend ko."
Kumaway sa akin si Clarisse and I waved back to her. Umangkla si Clarisse sa lalaking matangkad, gwapo, matipuno at malaki. Urgh! Anong malaki sinasabi mo Jewel! Jusko!
Anong pakiramdam kaya na may boyfriend? NBSB kasi ako. Maganda naman ako, mabait, maalalahanin at marunong magluto pero walang nagkakagusto sa akin! Wala ring gustong manligaw! Kainis. Bulag yata mga lalaki sa dati kong school.
"What's wrong, baby?" Napaangat ang aking ulo ng may boses na nagsalita. Si Carl lang pala.
Bakit ba puro baby 'to. Di naman ako sanggol.
At, kailan pa dumating ito? Hindi ko siya napansin ha?
"Huh? W-wala. May iniisip lang ako. Hehehe." Sabay tawa ko para mawala iyong atmosphere na ewan.
"Saka, pwede 'wag mo kong tawaging baby, naiilang ako. Jewel kasi name ko. Baka akala nila boyfriend kita. Hehehe. You know." Nakakailang naman kasi, baka kasi masanay ako. Tapos hopia naman.
Saka ang daming babaeng nakatingin sa amin kada naglalakad kami. Dami nilang fangirls.
"Wheather you like it or not, tatawagin kitang baby. You're my baby. Our baby. Right, Carlos?" Uminit ang aking pisngi sa sinabi niya. Baby nila ako? Diba para sa mga mag-jowa ang tawagan na iyon?
"Yes. You're our baby. Period." Baritonong sabi ni Carlos.
Bakit kinikilig ako? Kalma, self! Kalma!
"H-hindi naman tayo, kakakilala ko lang sa inyo. Hehe." Naiilang na sabi ko sa kanilang dalawa.
Nakakailang ang atmosphere sa paligid namin. Gusto ko ng umuwi at magkulong sa room ko.
"We court you." Sabay nilang sabi.
We? Silang dalawa? Kakakilala lang namin. Gago ba sila?
"Nawawala ba mga turnilyo niyo? Court you? Nalipasan yata kayo ng kain. Sige, una na ako. Babye!"
Tatakbo na sana ako ng mahawakan ako ni Carlos. Hindi naman madiin ang hawak niya pero umiinit ang aking buong katawan.
"Ihahatid ka namin. From now on, liligawan ka namin. Understood." Sumang-ayon na lang ako kay Carlos. Nakakatakot talaga siya.
"Don't worry, baby. Mahal ng isa, mahal naming dalawa."
Napamaang ako at napapikit sa sinabi ni Carl. Ano raw?
Ibigsabihin, kaya nila mag-share sa iisang babae?
"We can share in toys, foods, and clothes. What more we can share in one woman." Sabay titig sa akin ni Carlos.
Titig na hinuhubaran na ako.
Oh gash! Anong pinasok ko! I'm doomed.
Alam kaya ito ng parents nila?
"Baby, alam nila. Actually, ganoon din ang mga pinsan, uncles, and our relatives." Napatitig ako kay Carl.
Paano niya nalaman ang iniisip ko?
"Malakas mong nasasabi, baby." Sabay tawa niya. Napatakip tuloy ako ng bibig ko.
Nang nasa tapat na kami ng aming bahay, ang bahay nila at ang bahay namin ay magkatabi lang naman pala.
Pababa na sa ako ng kotse nila ng mahawakan niya ang aking panga at agad niya akong nahalikan. Hindi ko alam pero sumunod ang aking labi sa kanyang paghalik.
"Chill, Carl. Atin naman na siya, easy ka lang. Okay." Awat ni Carlos sa amin ni Carl.
Omg! Hinalikan niya ako at tinugon ko naman! Nakakahiya.
Hindi ko rin inaasahan ang paghalik ni Carlos sa labi ko pero smack lang.
"Sorry, twin. Na-carried away. Goodnight, baby."
Pagkasabi niya, dali-dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa room ko.
Nakakahiya.
to be continued...