"Thank you for flying with us, Sir." Matamis na ngumiti ang flight attendant kay Greyson.
Palabas na siya sa business class dahil dumating na sa destinasyon ang eroplanong sinasakyan niya.
Welcome to the Philippines, he thought lazily.
He nodded to the flight attendant and put on his dark sunglasses. He is already becoming aware of the hot climate in the Philippines. Binuksan niya ang dalawang butones sa bandang leeg niya sa suot niyang button shirt.
Kahit nasa loob pa siya ng airport ay nakakaramdam na siya ng init. Ano na lang kaya kapag nasa labas na siya? Damn!
He folded both of his shirt's sleeves. And then, walk straight to the baggage area. He waited patiently. It's been ten years, ngayon lang siya nakauwi sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng ama niya ay hindi na siya babalik pa. He chose to live in the States with his grandparents. When he was 18 years old, sa Manila siya nag-stay, sa bahay ng Lola at Lolo niya (mother side).
Hanggang sa magdesisyon ang mga ito na sa States na mamalagi. Sumama naman siya at doon na ipinagpatuloy ang pag-aaral. Pero paminsan-minsan ay dinadalaw siya ng parents niya at nag-iisang kapatid.
He thought that he has no future in their hometown, aside from being bullied when he was a kid. Noon pa man ay hindi niya kinahiligan na pamahalaan ang rancho ng parents niya sa probinsya ng Vizcaya. He admit, he was ambitious. He doesn't want to stay in one place where he appears to be failing to achieve his goal.
He never envisioned his father will invest in real estate company. And now, he owned one of the biggest real state firm in the Philippines. Napailing siya. Akala niya noon, mananatili lang sa probinsya ang ama para pangalagaan ang rancho.
And he wanted him to take-over his company. He has so much to learn, kaya hindi ganoon kadali iyon. Accounting graduate siya, hindi tungkol sa business ang pinag-aralan niya. But, as his father had said, he was a quick learner.
Madali niya lang daw mapag-aralan ang pasikot-sikot sa negosyo nito. Lalo na at sa ibang bansa siya nagtapos–with flying colours. He worked as an accounting manager for one of New York's financial institutions. He was satisfied and pleased with his work.
"Oh, I'm sorry." Napukaw ang atensyon niya sa boses ng isang babae na sadyang ibinangga ang katawan sa braso niya.
He looked at the woman. She smiled at him sweetly. He frowned at her and get his luggage immediately. He has no time to flirt with her. Lalo na at wala siya sa mood.
Ayaw niyang mamalagi sa probinsya nila dahil wala naman siyang magandang childhood memories doon maliban sa pamilya niya. Kaya nang sabihin ng daddy niya na sa rancho siya dederetso ay ganoon na lang ang pagka-badtrip niya.
Ibinenta na ng grandparents niya ang bahay ng mga ito sa Manila, when they decided to settled in the States. Nandoon din kasi ang Tita Razon niya, ang nag-iisang kapatid ng mommy niya.
"Excuse me, you look familiar." Narinig niya ulit ang boses ng babae. Hindi niya akalain na kaagad itong nakasunod sa kaniya.
Huminto siya sa paglalakad para harapin ang babae. Abot hanggang mga mata ang ngiti nito nang titigan niya. She's beautiful and sexy, pero hindi ang ganitong uri ng babae ang magugustuhan niya.
He has a penchant of a morena woman, kahit pa sabihing sa ibang bansa na siya nakatira at lahat na lang ng mga nakasalamuha niyang babae ay mga mestisa.
"Excuse me, Miss. I have no idea who you are, and you do not really seem familiar to me. If you'll excuse me, I'm in a hurry." Wala man lang ngiting sumilay sa labi niya.
Nawala naman ang matamis na ngiti ng babae. Na halata siguro sa boses niya ang pagiging arogante at suplado. Iniwan niya itong nakatulala.
Hindi siya basta-basta nakikipag-flirt sa mga babae. Hindi naman siya babaero pero naranasan niya rin namang magkaroon ng mga flings. At pihikan talaga siya pagdating sa mga babae, kaya nga iisang babae lang ang naging seryoso niyang naka-relasyon noon.
Nakasimangot pa siya paglabas sa arriving area pero nang makitang kumakaway si Arnel sa deriksyon niya ay kaagad na umaliwalas ang mukha niya. Kahit lumaki silang malayo sa isa't isa ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa nakakatandang kapatid.
Kapag nagkaroon ito ng pagkakataon ay sumasama ito kina Mama at Papa para dalawin siya sa States. Isang malaking baggage lang naman ang dala niya kaya mabilis siyang nakalapit kay Arnel.
Isang taon lang ang pagitan ng edad nila kaya hindi siya nasanay na tawagin itong kuya. Sabik siyang niyakap nito at ganoon din siya.
"Welcome back, bro!" bati sa kaniya ni Arnel.
"Thank you, Arn. Glad to see you." Tinapik-tapik niya ang likod nito.
"Tara na, excited na sina Mama at Papa na makita ka."
Bumuga siya ng hangin. Natawa naman si Arnel, alam kasi nitong ayaw niyang manatili sa rancho.
"C'mon, bro! Makaka-adjust ka rin sa rancho. At sinisiguro ko sa'yo na magugustuhan mo na ang rancho ngayon. Bukod sa maganda 'yong klima, marami ka na ring pagkakaabalahan."
Damn this change of weather! Palihim niyang mura sa sarili. Hindi siya sanay sa mainit na klima, ayaw niyang nanlalagkit siya dahil sa pawis.
"Really? Hindi na ba katulad dati ang rancho?" Pinahiran niya ang noo sa panyong dala niya.
Since they were kids, talagang si Arnel lang ang abala sa rancho. Kaya hindi na siya magtataka kung ito na ang namamahala sa rancho ngayon o ito ang magmamana.
No hurt feelings. Mas kampante siya kung ito ang magmana sa rancho. Mas gusto niyang mamuhay sa City kaysa probinsya.
Hindi niya rin naman masisi ang sarili kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang amore sa probinsya nila. He had a bad childhood memories sa lugar nila. At ang tanging konsolasyon niya lang ay ang pagiging De Villa, pero hindi pa rin hadlang ang apelyido niya para hindi niya maranasan ang ma-bully.
Kilala ang pamilya nila sa Vizcaya Province. Kahit hindi pa sila ganoon kayaman noon ay nakakaangat naman sila sa iba. Ang Lolo at Lola niya ay dating politician kaya kilala ang mga ito.
Pero nang mamatay ang grandparents (father side) hindi sinundan ng Papa niya ang yapak ng mga ito. His father hated politics, as well as her mother na isang City girl. Pinamahalaan na lang ng ama ang rancho at nagtayo ng negosyo.
He was perplexed about why her mother chose to live on the ranch. Saludo siya sa pagmamahal na inilaan ng Mama niya sa Papa niya, kasi kung hindi ay malamang hindi mananatili sa rancho ang ina.
Napukaw ang malalim niyang pag-iisip nang tapikin siya ni Arnel sa balikat.
"Hindi pa nga kita nasasagot sa tanong mo, ang sama na ng timpla ng mukha mo." He laughed. "Ganoon na ba talaga ang hinanakit mo sa rancho?"
He furrowed his eyebrows. "I don't hate the ranch, Arnel. I just hate the place." Ang tinutukoy niya ay ang probinsyang kinalakihan niya.
Dahil sa kapayatan at pagiging lampa ay palagi siyang nabu-bully noon ng mga kaklase at ang mga tinuturung niyang kaibigan. At si Arnel ang palagi niyang tagapagtanggol.
Pero bata pa siya noon at dapat kalimutan na niya pero nakatatak na kasi sa puso at isipan niya lalo na nang lumala ang pambu-bully sa kaniya. Kaya wala siyang maalala na may maganda siyang childhood memories sa lugar nila.
"C'mon, Grey! Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang nangyari noon? Look at you now... Siguro naman sila na ang matatakot sa'yo," biro nito sabay tawa.
Napailing na lang siya. Hindi siya nagkomento sa sinabi nito. Instead, he put his luggage at the back of the car.
"Let's go, we've got a long drive ahead of us." Nababagot niyang saad.
"Hop in!" masiglang usal ni Arnel.
***