bc

Greyson (De Villa Series 6)

book_age18+
234
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
arrogant
CEO
drama
bxg
city
office/work place
school
like
intro-logo
Blurb

SPG|R18

Greyson de Villa possessed the looks, money, and charisma that every woman desired. But not in the eyes of Karina Victoria, She considers him unattractive because of his rude attitude and arrogant personality.

On the contrary, Greyson has never been addicted to anybody or anything, except for Karina. She was like an addiction that he needed to resist, because the more he looked at her, the more he fell for her. So he needed to treat her rudely to cover his intense cravings for her.

But how long could he keep up that facade whereas his addiction with her intensified day after day, making him feel like he was on drugs?

And to make things worse, his older brother has feelings for Karina.

***

chap-preview
Free preview
Chapter 1
–Heron de La Villa del Corazon Ranch– Mabilis na pinatakbo ni Karina ang kabayong sinasakyan habang binabaybay ang daan patungo sa malawak na palayan. Ang natural niyang maalon na buhok na hanggang balikat ang haba ay kusang isinasayaw ng hangin na tila ba'y nasisiyahan na paglaruan ang buhok niya. Pati na ang suot niyang bestida na hanggang tuhod ang haba ay sumasabay rin sa hampas ng mabining hangin. Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi niya lalo na't nagugustuhan niya ang bawat pagdampi ng simoy ng hangin sa kaniyang kayumangging balat. Mahigpit niyang hinila ang renda ng kabayo para tumigil ito sa mismong tapat ng mga tauhan sa rancho. Mabilis siyang nakababa kahit nahihirapan dahil malaki ang kabayong sinakyan niya. "Tiyang! Dala ko na ang tanghalian ninyo." Masiglang pahayag niya sa tiyahin. Nag-aani ito ng palay kasama ang mga tauhan sa rancho. Ang Tiyang Petring niya ay bunsong kapatid ng nanay niya na siya namang katulong sa mansion ng pamilya De Villa, ang nagmamay-ari nitong rancho. "Tulungan na nga kita," ani ni Botyok, ang kaklase niya at kaibigan. Wala silang pasok kaya tumutulong ito sa pag-aani ng palay dahil ang mga magulang nito ay tauhan din sa rancho. Matanda ito sa kaniya ng isang taon. Pareho sila ng kurso, Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. At nasa ikatlong taon na sila. "Salamat." Ngumiti siya rito. Kinuha nito ang dalawang basket na nakalagay sa magkabilaang gilid ng kabayo. "Gamit mo na naman ang kabayo ni Sir Arnel," sita ni Botyok sa kaniya. Ang tinutukoy nitong Sir Arnel ay ang panganay na anak ng mag-asawang De Villa. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Pinapagamit niya naman sa akin, at saka palagi niyang sinasabi kay Manong Berting na ipagamit ang kabayo nito kapag kailangan ko." Pangangatwiran niya. Inismiran naman siya nito. "Ang sabihin mo paborito ka talaga ni Sir Arnel, kita mo nga, nagdalaga ka na lang ay Arnel pa rin ang tawag mo sa kaniya. O baka naman may gusto si Sir sa'yo?" tukso nito sa kaniya. "Hoy! Hindi, a!" bulalas niya sabay sapak sa balikat nito. Muntikan naman nitong mabitiwan ang hawak na malaking basket dahil sa ginawa niya. Ang tingin niya lang kay Arnel ay parang kuya niya. Ewan niya ba kung bakit nasanay siya na Arnel ang tawag niya rito. Noon kasi pinapagalitan siya nito kapag tinatawag niya itong Sir o kaya ay kuya. Kaya hanggang ngayon ay nakasanayan na niya na Arnel ang tawag niya rito. Sobrang bait nito sa kaniya. Wala namang malisya para sa kaniya ang pinapakita nitong kabutihan. Iyon nga lang, pinagtataka niya kung bakit sa edad nitong dalawampu't siyam ay wala pa rin itong asawa o napabalitang nobya. Sabi nga ng mga taga-rancho ay masyado raw itong pihikan. "Hali na nga kayo rito at nang makakain na kami ng pananghalian," saway sa kanila ng Tiyang Petring niya. Inirapan niya si Botyok, inismiran naman siya nito, saka sila lumapit sa Tiyang Petring niya. Nang makalapit ay akma siya nitong kukurutin sa tagiliran buti na lang mabilis siyang nakaiwas. "Tiyang naman..." Lumabi siya sa tiyahin. "Aba! Gamit mo na naman ang kabayo ni Sir Arnel, alam mo bang lagpas ulo mo ang taas at laki ng kabayong iyan? Hindi mo naisip na delikado sa'yo? 'Ku batang ka!" pagtatalak nito. "Tiyang naman kasi... alam mong magaling akong mangabayo. Aba! Magaling magturo si Arnel sa akin." Ngumisi siya. "Naku! Isa pa iyan... Nai-spoiled ka ni Sir Arnel, palibhasa'y walang kapatid na babae. Siya nga pala nakarating na ba siya?" tanong nito. Ang tinutukoy nito ay kung nakarating na ba si Arnel galing Manila. Sinundo kasi nito ang bunsong kapatid sa airport, na galing sa Amerika. Napapaisip siya kung kaugali ba ito ni Arnel, malamang hindi. Hitsura pa lang mukhang strikto na. Nakikita niya kasi ang litrato nito sa study room ni Don Heron kapag naglilinis siya sa loob. Gwapo naman si Sir Greyson, sa katunayan nga ay mas gwapo pa kaysa sa kapatid nitong si Arnel. Biglang sumikdo ang puso niya. Naisip niya lang si Sir Greyson, bigla na lang nagkaganito ang t***k ng puso niya. Napailing siya. Oo na, gwapo nga talaga ito pero hanggang doon lang iyon. Hindi niya pa naman alam ang pag-uugali nito, sana nga lang kasing-bait din ni Arnel. "Hoy! Tinatanong kita!" untag sa kaniya ng tiyahin dahilan para mapapitlag siya. Napakamot siya sa tainga na para bang nagtatanggal ng tutuli. Kung gaano katahimik ang nanay niya, ganoon naman kadaldal at tinis ng boses ang Tiyang Petring niya. "Mamaya pa po 'yon sila darating, Tiyang. Ang layo ng Maynila kaya hindi kaagad sila makakabalik." "Ganoon ba, hala sige, ihanda na natin itong pagkain sa kubo." Sumabay siyang maglakad dito patungo sa kubo kung saan nagpapahinga ang mga nag-aani ng palay o kaya kapag kumakain ang mga ito. Katabi naman ng kubo ay ang malaking kamalig, ang imbakan ng mga palay. Tinulungan niyang maghain ang Tiyang niya, pati si Botyok ay tumulong na rin. Mayamaya lang ay nagsikainan na ng pananghalian ang lahat. Siya naman ay tinatanaw ang burol na hindi kalayuan sa kubo. May nag-iisang malaking puno ang nakatayo roon kaya gusto niya ring manatili sa burol na iyon. Tirik ang araw pero hindi niya naman ramdam ang init dahil sa malamig na simoy ng hangin. Humakbang na siya para pumunta sa burol ngunit may pumigil sa kaniya. "At saan ka naman pupunta?" sita sa kaniya ni Botyok. Itinuro niya ang medyo may kataasang burol sa tapat nila. Bumuntonghininga ito saka muling nagsalita, "Hindi ka naman siguro pupunta riyan na sakay ka sa kabayo, hindi ba?" May himig pag-aalala ang boses nito. Ngumisi siya. "Gusto ko na nakasakay sa kabayo," aniya. Halata ang excitement sa boses niya. "Ang tigas talaga ng ulo mo, Karina. Baka mawalan ka ng balanse at mahulog ka sa kabayo, magmukha ka pang bigas diyan pagulong-gulong mula sa burol pababa rito sa kubo." Natatawang turan nito. Sumimangot siya. Alam niyang ini-imagine na nito ang mangyayari sa kaniya. Lalo na ang paggulong niya. "Napaka-negative mo talagang mag-isip, Botyok! Huwag ka kasing magsalita ng ganyan baka magkatotoo!" Inirapan niya ito. Isang malakas na tawa lang ang lumabas sa bibig nito. Nagmamadali na siyang bumalik sa kabayo ni Arnel dahil baka sitahin na naman siya ng Tiyang Petring niya. Wala siyang kahirap-hirap na sumampa sa kabayo, saka pinatakbo patungo sa burol. No'ng una ay takot na takot siyang umakyat sa matataas na burol kapag nakasakay sa kabayo, pero si Arnel ang nagpapalakas ng loob niya na kaya niya. He was her trainor ever since. Ang sarap sa pakiramdam nang makarating siya sa tuktok. Sa kabilang dako ay nakikita niya ang malawak na kapatagan na may plantasyon ng mga tubo, pangunahing pinagkakakitaan ng rancho, maliban sa palayan at bakahan. Natigil siya sa akmang pagbaba sa kabayo nang may matanaw siyang owner type jeep, halatang naglilibot sa plantasyon ng tubuhan. Napakunot pa ang noo niya dahil jeep iyon ni Arnel, at kahit nasa tuktok siya ay nakikita niyang ito ang nagmamaneho. Nakabalik na pala ito galing Maynila? Sa isip-isip niya. Bumaling ang tingin niya sa katabi nitong lalaki na may suot na kulay itim na sunglasses sa mga mata. Nakakunot pa ang noo nito, parang may kinaiinisan. Huminto ang jeep at naunang bumaba si Arnel, kasunod ang kasama nitong lalaki. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil dumako ang tingin ng mga ito sa deriksyon niya. Kumaway pa si Arnel kaya napilitan siyang suklian ang ginawa nitong pagkaway sa kaniya. Pero ang mga mata niya ay napako na sa makisig na lalaking katabi nito. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook