Kanina nang malapit na sila sa pagpasok sa masyon ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan si Dylan. "Hmmm.. Pare, nasaan ang rest room niyo rito? Tawag ng kalikasan," nakangisi na bulong nito sa kanya. Napangisi naman si Ygo sa bulong nito. "Akala ko naman kung ano na. Kung gusto mo, roon ka na lamang sa kwarto mo gumamit," mungkahi sa kanya ni Ygo. "Sige. Maige pa nga." "Tara!" Tumayo na siya habang kasunod naman niya si Dylan na lilinga-linga sa paligid. "Wala yata ang bride to be mo." Nagkibit lamang siya ng balikat. "Baka nasa silid niya." Nang marating na nila ang guest room ay binuksan niya ito. "Heto ang pansamantala mo'ng tutuluyan, Pare." Pumasok na sila sa loob ng kwarto. "Pare, maganda ang kwarto. Kaya lang lalabas na, Pare, nasa bungad na!" Hindi malaman ni Dylan kung p