Alex : Ayaw na sanang magpakita ni Alex sa bisita ngunit alam naman niyang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang lumabas. Paglabas pa lamang niya sa kusina ay natanaw na niya si Mr. Cimmaro na nakaupo sa sofa sa kanilang sala. Parang may paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura. Hindi rin niya maiwasan na mapalunok. Mas fresh ang itsura nito kaysa kahapon. Hindi mo pwedeng basta baliwalain ang presensiya nito. Malakas masyado ang dating nito. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung paano naging kaibigan ito ni Rodrigo. "Oh, Iha, nariyan ka na pala," masayang wika ng kanyang ama nang biglang mag-ring ang telepono na nasa tabi nito. Sinenyasan nito ang lalaki na nakaupo na sasagutin lamang sandali ang tawag. Awtomatikong nabaling sa kanya ang paningin ng lalaki na nakaupo sa kanila