Ngunit nadismaya siya dahil ang tauhan lang pala ito. Hinintay niyang maglakad palapit ang lalaki dahil hindi naman kayang ipasok ang sasakyan. Dumaan ito sa taas ng kahon ng palayan kasi kung sa gilid ay maraming pasikot-sikot kaya matatagalan kung doon dadaan. “O, bakit apo?” takang tanong ni Lola Delyn at sinundan ang tingin niya. “Magandang hapon aling Delyn at Isabel. Inutusan ako ng Mama mo Isabel na sunduin kayo. Hindi raw magiging kumpleto ang gabi kung wala kayo naroon ang lahat ng mga anak ng Donya at kayo na lang ang kulang.” Napatingin si Isabel kay lola Delyn at kahit hindi sabihin ng matanda bakas ang galak sa mukha nito. Batid ni Isabel na gusto rin makilala ng lola niya ang ibang anak ni Lanie na naroon sa California. Minsan kasi kapag umuuwi sa mansyon mahaba na an